Rhian, ‘di bothered sa katomboyan ni Michelle!

Rhian
STAR/ File

Natawa si Rhian Ramos nang hiningan siya ng reaksyon sa mga nali-link na girls sa best friend niyang si Michelle Dee.

Pagkatapos koronahan bilang Miss Universe Philippines 2023 si Michelle, nag-out na siya na isa siyang bisexual.

Naglabasan ang ilang pangalan ng mga babaeng na-link sa kanya, pati si Rhian.

Natawa na lang si Rhian sa intrigang ito nang tinanong namin sa kanya nung nakaraang mediacon ng bagong drama, murder-mystery series na Royal Blood.

“Ha? babaero ka ba? O babaera? Ba’t ang daming… ba’t ang daming nali-link sa ‘yo?

“We joked about it pero ano, I mean I would know. Wala naman dun totoo.

“’Di pa naman sila dumadalaw dun, joke lang!” napapangiting pahayag ni Rhian.

Noon pa man ay matagal na raw alam ni Rhian at ng buong grupo ang tungkol sa sexual preference ni Michelle, at hindi naman ito isyu sa kanila.

Masaya silang finally, nag-out na siya at inamin ito sa publiko. Pero ang katapat nito ay mga matitinding ba­shing sa kanyang kabigan.

“I’m just so proud of her because for her age, she’s a lot younger from me kasi.

“When I met her kasi, she was 25, so I was thinking o wow bagets, ‘di ba?” pakli ni Rhian.

“She’s so mature and things na I think would have hurt my feelings when I was new. Because I got my feelings hurt a lot when the bashing and whatever when I was new. But, it doesn’t affect her in a negative way kasi, she understands that people are talking about someone that they don’t even know.

“I mean, that’s something kasi that it took me a long time to understand na parang, siyempre it will bother me kung sinabi ng sarili kong kapatid na ganito ako. Pero kung hindi ko kakilala, parang kebs!

“So ayun! Hindi naman niya iniyakan ‘yung bashing or anything. I don’t feel naman bad for her.

“It does really make us very proud that she, you know, take in control over her story. And, she’s being true with people.

“Kasi, I mean sometimes you would think, if you are a celebrity or something na parang you have to give people what’s the most saleable version of yourself, parang ganun.

“And, you know, what she is giving people is the real authentic her,” saad ni Rhian.

Challenging ang role ni Rhian sa Royal Blood bilang si Margaret Royales ang isa sa mga anak ni Gustavo Ro­yales na ginagampanan ni Tirso Cruz III.

Isa rin si Margaret (Rhian Ramos) sa suspects na pumatay sa kanilang ama.

Magsisimula na ito sa GMA Tele­babad ngayong araw pagkatapos ng Voltes V.

Herlene, susubukan ang kapalaran sa Miss Grand Philippines

Nagugulat si Herlene Budol sa mga naglalabasang isyu tungkol sa kanya, lalo na itong tungkol sa kauna-unahan niyang drama series na Magandang Dilag.

Sa June 26 na ito magsisimula na papalit sa afternoon drama ng GMA 7 na AraBella.

Pero hindi pa tapos ang taping nito at halos walong buwan itong nagti-taping.

Ang daming delays dahil sa previous commitments ni Herlene Budol.

Kasisimula lang niyang mag-taping sa seryeng ito nang nagkaroon ng break dahil kailangan nilang lumipad ng Uganda para sumali sa Miss Planet International.

Nagkabulilyaso pa ito at wala namang nangyari.

Nagkasakit pa siya at ang dami pang ibang commitments na kailangang tuparin. Kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos.

Pero sabi ni Herlene, “’Yun nga po, dahil sa schedule na talagang naunang commitment.

“Give and take naman po kami… siyempre sa COVID, sa location, sa lahat naman po. Hindi naman po naka-focus lang sa akin.”

Ang dami nilang inabot na problema habang ginagawa ito, pero kailangan daw nilang ituloy.

“Ganun naman ho talaga e. Siguro mas masarap sa feeling na every time na may ginagawa ka may challenge. Kasi parang mas lalo kang nanggigigil na gawin pa ‘yung, ah ganun ayaw mo ipatuloy ha? Itutuloy pa namin ‘to,” sabi pa ng Magandang Dilag.

Ilang araw na lang ay matatapos na sila sa taping nito, pero break na naman sila ngayong linggo dahil kailangan namang paghandaan ni Herlene ang pagsali niya sa Miss Grand Philippines 2023.

Kaya gusto man sana niyang tanggapin ang alok na mag-host sa Eat Bulaga, hindi puwede dahil sa rami niyang ginagawa.

Pero pagkatapos daw nito at nandiyan pa rin ang alok ng Eat Bulaga, masaya raw siyang gawin ito. “May mga current commitment po ako sa iba na kailangan kong tapusin. After po nito, why not po?

“Oo. Sobrang happy po ako kung sakali,” sabi pa ni Herlene.

Show comments