^

PSN Showbiz

ABS-CBN Current Affairs, balik-ere sa Tao Po

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
ABS-CBN Current Affairs, balik-ere sa Tao Po
Bernadette Sembrano-Aguinaldo

Magbabalik sa ere ang ABS-CBN Current Affairs sa bago nitong magazine program na Tao Po, sa pangu­nguna ng award-winning journalist na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo, na nakatakdang ipalabas mula 6:15 p.m. tuwing Linggo, (simula ngayong gabi, June 18).

Itatampok ng Tao Po ang mga kuwento mula kay Kabayan Noli de Castro at mga correspondent ng Patrol ng Pilipino na may iba’t ibang paksa mula sa maiinit na isyu, nakaka-inspire na kwento, trending topics, profiles, at entertainment.

Layon ng palabas na bumuo ng mga koneksyon ng tao na may mga unibersal na tema ng pag-asa at pakikiramay na sumasalamin sa lahat anuman ang edad, kasarian at pagkakaiba sa kultura.

Samantala, mapapanood na sa mas maagang oras ang balita dahil inilipat sa bagong timeslot ang weekend flagship program ng ABS-CBN News na  TV Patrol Weekend sa bagong timeslot na 5:30 p.m. hanggang 6:15 p.m simula kahapon, Sabado at Linggo.

Available ang TV Patrol Weekend, kasama sina Alvin Elchico at Zen Hernandez, sa cable, satellite, at free-to-air television sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, TeleRadyo, ANC, at A2Z. Maaari rin itong mapanood online sa pamamagitan ng ABS-CBN News YouTube channel, ABS-CBN Facebook page, Kapamilya Online Live, ABS-CBN News website, at iWantTFC.

BERNADETTE SEMBRANO-AGUINALDO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with