Ex-matinee idol Patrick Guzman, namatay sa Canada!
Pumanaw na pala ang ‘90s matinee idol na si Patrick Guzman.
Naunang nag-post tungkol dito si Ogie Alcasid. “Here you are Pat Guzman with @michaelbitoy and @anjoyllana in our younger years doing our photo shoot for our blockbuster hit Mama’s Boys 2. So shocked and sad that you have gone to heaven so suddenly. Rest now brother. I will always remember the wonderful times we had while filming so many movies together. Be with Jesus.” caption ni Ogie sa throwback photo nilang apat.
Ayon sa sinulat ni tita Aster Amoyo sa kanyang column sa Pang Masa, pumanaw nga ito dahil sa sakit sa puso sa Toronto, Canada kung saan nakabase ang dating aktor kasama ang wife na si Chat at ang nag-iisa nilang anak na si Aiden.
Kinumpirma rin Ms. Beverly Vergel na based in Canada kay tita Aster “Early this morning (of June 17, Manila time). He is survived by a wife and a son. The family is requesting for privacy at the moment.”
Kasama sa mga naging pelikula ni Patrick ang Kung Ako Na Lang Sana, Huwad na Hayup, Malikot na Mundo, Sisa, Mga Babae sa Isla Azul, Sa Piling ng Iba, at marami pang iba.
Iniwan niya ang showbiz noong 1998. Nanirahan ito doon at nagpakasal.
Nakiramay rin ang maraming celebrities sa comment section ng IG post ni Ogie tulad nina Michael V, Dingdong Avanzado, Randy Santiago, Amy Perez, Bing Loyzaga, Gelli de Belen, Bayani Agbayani at marami pang iba.
- Latest