Janella, hirap sa pagiging single mom!
Pebrero nang magtapos ang Mars Ravelo’s Darna na pinagbidahan ni Jane de Leon. Matatandaang si Janella Salvador ang gumanap bilang si Valentina sa naturang serye. Ito ang itinuring na comeback project ni Janella mula nang manganak noong 2020. Ngayon ay kabi-kabila nang muli ang nakatakdang gawing proyekto ng aktres. “Marami ang naka-line-up na gawin, marami silang aabangan. Basta thankful tayo sa lahat ng projects na ‘yan,” bungad ni Janella.
Magtatatlong taong gulang na sa Oktubre ang anak ng aktres at Markus Paterson na si Jude.
Ayon kay Janella at talagang mahirap maging isang single mom. “Naku! Ngayon talagang diyan ako nahihirapan, ‘yung balansehin ang family life at career sa showbiz pero so far kinakaya naman,” giit niya.
Mula nang bumalik sa trabaho noong isang taon ay napanatili na ni Janella ang kanyang magandang awra. Sa edad na dalawampu’t limang taong gulang ay mas naging maingat sa pag-aalaga sa sarili ang aktres. “I think what gives you that natural glow is genuine happiness that you feel inside. I’m not getting any younger, that’s why I also follow a healthier diet and a more active lifestyle. I started to work out again after a really long rest after Darna. I guess that’s what makes me glow,” pagtatapos ng aktres.
Jhong, bayad na sa utang sa mga magulang
Kamakailan ay nakapagtapos ng kursong Political Science si Jhong Hilario mula sa Arellano University. Ayon sa aktor ay matagal na niya itong itinuturing na utang sa kanyang mga pinakamamahal na magulang. “Ito ‘yung bayad ko sa utang ko, sa mga magulang ko. Lahat ng parents, ang gusto ay makapagtapos sa pag-aaral ang anak nila. Lahat ng ginagawa nila, nagtatrabaho sila nang marangal para makapagpaaral ng mga anak. Ito na ‘yon, kahit late na at the age of 46, at least buhay pa ang parents ko,” nakangiting pahayag ni Jhong.
Hindi lamang basta nakapagtapos ng pag-aaral ang It’s Showtime host dahil si Jhong ay isa ring Magna Cum Laude graduate. Para sa aktor ay hindi naging hadlang ang kanyang edad at ang lahat ng kanyang ginagawa sa araw-araw upang makapagtapos ng kolehiyo. “Sa lahat ng gustong makapagtapos ng pag-aaral kahit late na katulad ko, meron talagang pagkakataon, paraan para gawin ito kahit sobrang busy tayo. Time management lang, for me, napakaiksi ng buhay para walang gawin,” makahulugang paglalahad ng aktor. (Reports from JCC)
- Latest