^

PSN Showbiz

Ara, Boy at Aiko, walang puknat ang ayuda kay Deborah Sun

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Ara, Boy at Aiko, walang puknat ang ayuda kay Deborah Sun
Deborah
STAR/ File

Kapuri-puri ang kabaitan ni Ara Mina at iba pang tumutulong sa aktres na si Deborah Sun.

Nakita ko ang comment ni Ara sa IG post ni Gladys Reyes tungkol sa pagsasama nila nina Tonton Gutierrez at Glydel Mercado sa pelikulang Unspoken Letters na first venture ng Utmost Creatives Motion Pictures.

Kasali kasi sa pelikula si Deborah at nag-comment doon si Ara na nagpapasalamat siya na nabigyan ng trabaho si Deborah.

Tuluy-tuloy ang pagtulong ni Ara sa aktres na kung saan pinatira niya ito sa condo unit niya.

Ikinuwento ni Deborah sa story conference ng pelikulang Unspoken Letters na pitong taon na pala siyang nakatira nang libre sa condo unit ni Ara.

“Thank you, thank you so much kay Ara! Napakalaki talaga ng tulong niya sa amin!

“Hindi lang nakatira, pinapadalhan pa ako lagi ng mga groceries three times a year, ng tatlong box.

“Isang toiletries, isang mga de lata, isang cup noodles. Alam mo ‘yung mga ganun, bigas… minsan, padadalhan pa ako ng konting panggastos. Ganun kabait si Ara!” bulalas ni Deborah.

Nahihiya na raw siya kay Ara sa sobrang tulong na ibinibigay sa kanya, pero ang ending si Ara pa raw ang nahihiya dahil maliit lang ang bahay na ipinapagamit sa kanya.

“Kaya nga ‘pag ano, sinasabi ko, ‘Anak, anak, bakit naman kako ikaw pa ang nahihiya sa akin, nahihiyang magsalita sa akin?’

“Kumbaga e, ‘Baka gusto mo nang magtayo ng business na breakfast and bed, baka gusto mo nang ibenta itong unit, ayaw mo lang sabihin sa akin, ikaw pa ang nahiya. Actually, ang tagal na namin dito.’

“Ang sabi niya, ‘Naku, tita! Diyan lang kayo, ako nga ang nahihiya sa inyo dahil ang liit ng unit, gusto ko ngang ilipat kayo sa mas malaki.’

“Ganun si Ara, siya pa ang nahihiya.”

Hindi lang si Ara ang tumutulong kay Deborah kundi si Boy Abunda na tumutulong sa pagpapaaral sa kanyang anak na nursing student.

Si Aiko Melendez naman ay tumutulong daw sa pagpapagamot kay Jam Melendez.

Hindi rin daw pumapalya si Aiko sa pagbigay ng tulong sa kanyang kapatid.

Bong, gusto ulit makasama si Jillian

Tuwang-tuwa si Sen. Bong Revilla sa tumataas na rating ng action-comedy niyang Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis.

Nung pilot episode nito ay naka-12.3 percent, at sa pangalawang episode nito ay 13.4 percent.

Ito ang pinakamataas na sitcom ng GMA 7 sa ngayon.

Pero kinokorek ako ni Sen. Bong kapag sinasabi kong sitcom dahil hindi lang daw ito sitcom kundi parang pelikula na rin na pampamilya.

Kaya nagpapasalamat siya sa writers, pati kina direk Frasco Mortiz at Enzo Williams dahil talagang pinag-isipan daw nila nang mabuti para mapaganda pa ito.

Marami pang mga bagong karakter na lalabas sa Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis, at iyun daw ang aabangan natin. Pero mas curious kami kung sino itong mystery guest na may malaking role na gagampanan sa naturang sitcom.

Samantala, pinag-iisipan pa ni Sen. Bong kung sasali na siya sa Metro Manila Film Festival sa December.

Meron nang isasali si Sharon Cuneta kasama si Alden Richards, at malay natin baka isasali na rin ang pelikulang When I Met You in Tokyo nina Vilma Santos at Christopher de Leon.

Mas okay din kung merong Nora Aunor movie, at sana meron na rin si Sen. Bong.

May ilang story na pini-pitch sa aktor / pulitiko at pinag-iisipan pa niya ito.

Maganda rin kasi na mapapanood natin sa ngayong taong MMFF ay mga artistang dating namamayagpag tuwing filmfest.

Pero ang isa pala sa gustong gawin ni Sen. Bong ay isang pelikulang makakasama si Jillian Ward.

Nakakasama niya dati sa ilang Panday movies nung bagets pa si Jillian at ngayon ay dalaga na at lalo pang gumanda.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with