Nagbigay ng reaksyon si Judy Ann Santos sa amin sa Fast Talk with Boy Abunda tungkol sa naging pahayag ni Claudine Barretto kamakailan. Nabanggit sa amin ni Claudine kamakailan na nangangarap itong makatrabaho si Juday sa isang proyekto. “A project with Claudine, of course, why not? I think hindi lang naman dahil sa hinihingi ng mga tao, but I think it would be a very interesting project. For me and Claudine to do a project, I think this is the very perfect moment. Why? Kasi kalmado at payapa ang paligid. Na-teary-eyed ako nang slight. Kasi tama si Claudine. We never really had the chance to be close no’ng mga bata kami. “Because Star Magic siya, I have Tito Alfie (Lorenzo, dating talent manager ni Judy Ann) with me and palagi kaming nakatapat sa isa’t isa,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.
Kahit pinagbabangga noon ang dalawang aktres ay hindi naman daw naging masama ang epekto nang naging kompetisyon para kay Juday. “I guess that’s a very healthy competition back then. Ako, naniniwala ako hanggang ngayon there’s always a need for you to have a competition para alam mo kung hanggang saan mo pa pwede itaas ang sarili mo, saan ka pa pwedeng mag-improve. We’re very good friends, we’re okay. We just never had that chance to go out and be really close,” paliwanag niya.
Matagal-tagal na ring hindi nakagagawa ng pelikula at teleserye si Judy Ann. Kung mabibigyan ng pagkakataon ay posible nang makagawa ng proyekto ang aktres ngayon sa GMA 7. “I’ve always had good relationship with GMA 7. I made Quija under GMA 7 Films. Nagge-guest ako sa SOP, I’d be their co-host. I mean very open ‘yung relationship ko with GMA 7. Gusto ko gumawa ng series, but I can’t commit my time to a long-term series. Limited series is okay because I want to still have control over my schedule and plan my time with my family. I’ve been working for the past decades of my life and buong buhay ko binigay ko dito. Now that God has given me a very beautiful family that I’ve prayed for and wished for, hindi pwedeng may makaligtaan ako. I want to be there with them at every important moment and memory of their lives,” pagbabahagi ng aktres.
Alfred, nag-aaral na naman
Abala man sa pagiging aktor at konsehal sa ika-limang distrito ng Quezon City ay naisasabay naman ni Alfred Vargas ang kanyang pag-aaral sa Universtity of the Philippines. Matatandaang kumuha ng master’s degree ang aktor noong 2021 at ngayon naman ay nasa PhD program ng UP. “’Yung inaaral ko ngayon Urban and Regional Planning. Gusto ko maging urban planner. Four years ito tapos one semester pa lang ako hirap na ako. Actually, challenge din ‘yung hybrid setup, online. Ako old school ako, mas gusto pumapasok nang face to face. Hirap ako pero nakaka-adapt na ako. Very technical kasi ‘yung inaaral ko. Dapat talaga nagme-memorize ka, dapat nagbabasa ka. Mas matagal magbasa eh kaysa ‘yung class,” nakangiting kwento ni Alfred.
Masaya umano ang actor-politician sa tuwing pumapasok sa unibersidad at nakakasalamuha ang mga kaklase. “Nag-e-enjoy ako kasi ‘yung mga kaklase ko mga dalubhasa sa iba’t ibang fields. Mga architect, engineer, lumalawak ‘yung network ko. Tapos nagustuhan ko rin maging estudyante kasi tahimik, tapos ang ganda ng conversations n’yo. Yayain mo ‘yung mga kaklase mo sa fishballs, sa Mang Larry’s, tapos ‘yung five minutes na fishballs nagiging 30 minutes. So ako nae-enjoy ko itong buhay konsehal ko. Kasi ang dami kong free time, nagagawa ko rin ‘yung gusto ko,” paglalahad ng aktor. (Reports from JCC)