Jason at Vickie, ipinasilip ang panganay
Ang bongga naman nina Jason Abalos at asawang si Vickie Rushton.
May patikim sila sa kanilang panganay.
Sa Instagram post, ibinahagi nila ang sonogram photo ng baby nila ng beauty queen kasama ang mga litrato nilang mag-asawa. Ito ay para pagkumparahin kung sino ang kamukha ng anak sa kanilang mag-asawa.
Caption niya: “Daddy o si Mommy? Can’t wait to see you my child.”
Ayon sa netizens ay may resemblance daw ito sa kanyang daddy Jason. Kaya naman mas lalo silang na-excite sa paglabas nito.
PBBM, pinalalakas ang turismo
Sabi ni Dra. Vicki Belo na wala raw tatalo talaga sa ganda ng Pilipinas.
Kaya naman talagang target ni President Bongbong Marcos na palakasin ang turismo.
Malaking tulong sa economy ang malakas na turismo, kaya isa itong project na gustung-gusto ni Usec. Honey Rose dahil alam niyang malaki ang magagawa para sa ating bayan.
Mapapansin mo na ang magagandang daan o road na talagang inayos para mapabilis ang biyahe.
Ang aircraft system natin na mas ginawang moderno. Lahat ng ways of transportation inayos para maging maganda sa paggamit ng mga pasahero. Ang ganda ng mga probinsiya natin na hindi pa nakikita ng marami.
Kaya naman na tiyak na papatok ang mga programa nila PBBM. Madaling lapitan at hingan ng tulong ang mga executive ng gobyerno natin. Isa na rito si Usec. Honey Rose. Isang tawag lang sumasagot sila at tumutulong.
Ipagdasal natin na lahat ng projects nila ay maging bongga, para mas lalo pang maging maganda ang bayan Pilipinas.
- Latest