^

PSN Showbiz

Loud and proud member ng LGBTQ... Relasyon nina Sheryn Regis at negosyanteng si Mel de Guia, sa boodle fight nag-umpisa!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Loud and proud member ng LGBTQ... Relasyon nina Sheryn Regis at negosyanteng si Mel de Guia, sa boodle fight nag-umpisa!
Sheryn Regis and entrepreneur Mel de Guia

Wala palang ligawang naganap kina Sheryn Regis and entrepreneur Mel de Guia.

May ilang nagulat noon nang ilantad ng singer ang relasyon sa kanyang kabaro, noong 2021.

Nag-umpisa lang aniya ‘yun nung umorder siya (Sheryn) ng ‘boodle fight’ na online business ni Mel at siya na rin ngayong manager ng tinuturing na Crystal Voice of Asia.

Samantalang hindi naman pala kumakain ng karne ang singer. Siya aniya pa ang personal na tumawag at sinagot ni Mel.

Pag-aalala ng negosyante, mabilis silang nagkasundo at nag-open agad sa isa’t isa at ‘yun na. “So doon po nag-start and then syempre ako po kasi nasa nagbi-business ako. Ako po talaga ‘yung nagde-deliver. Personal akong nagde-deliver para mas dumami  ‘yung customers ko, kasi word of mouth po ‘yung gamit ko at the same time sa social media.

“Parang ang gaan lang po agad ng pakiramdam. May ganoon po ‘di ba tayo sa tao na parang ang bilis po mag-open up parang ‘yung pakiramdam ko pwede kong i-open sa kanya na hindi ako iju-judge. Kasi ‘di ba ganoon po ‘yun parang nagho-hold ka ng mga bagay na ang bigat bigat pero hindi mo masabi. Sa kanya nagawa ko ‘yun and then siya rin. Then the rest is history na parang walang ligawan na nangyari,” pag-amin ng negosyante.

Paliwanag naman ni Sheryn : “Saka ‘yung parang alam mo ‘yun naging parte kami sa isa’t isa. I don’t know that time bakit kaya anong naisip ko at nag-order ako ng pang boodle fight. Eh ano lang naman sa condo ako nakatira kasama ko ‘yung kapatid ko.

“Ang iniisip ko lang pwede ko pamigay ‘to kasi nga pandemic, papadeliver ko sa mga friend and then sabi ko papadala ko rin sa Tandang Sora, sa bahay. Hanggang sabi ko parang maganda ‘tong boodle fight na ‘to, ma-try nga.

“So tinawagan ko and I called her kaya sabi ko ‘can I order?’ and I ordered ‘yes po’ kasi daw English daw. First time ko mag-order like hindi ako nagpapa-order sa ibang tao or hindi ako nag-uutos. Sabi ko ano kaya nasa isip ko pero hindi ko alam na siya pala ‘yung may-ari kasi syempre contact number lang so sabi ko ‘is this Mel?’ pero hindi ko alam na LGBT siya, wala. Nahihiya lang kasi ako ‘This is Sheryn. Sorry I don’t know how to order, how to place my payment’ something like that. Hanggang sa ayun pumunta, nagkita na kami and then the rest is history,” aniya sa isang media conference para sa concert tour ni Sheryn na celebration ng kanyang 20th anniversary sa showbiz.

Hindi nagtagal ay umamin din ang anak ni Sheryn na siya rin ay miyembro ng LGBTQIA sa Magandang Buhay noong April lang, si Sweety Echiverri.

“Ang initial reaction ko po when my mom came out, at first I was very surprised kasi my mom never really showed a sign that she was in a closet. And around that time I was also confused about my sexuality and my self-identity. I was a young teenager when she first came out to me. Since then when my mom came out to me, I actually had the guts and comfort to come out to her and my dad as bisexual,” sabi ni Sweety.

Samantala, nai-release ni Sheryn ang kanyang album na She under Star Music with her hit single Gusto Ko Nang Bumitaw.

She also collaborated with JMRTN of REtrosPECT for the song Respeto.

vuukle comment

SINGER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with