Michael V., pumalag sa fake news
Nag-fake news alert si Michael V. kahapon kaugnay sa ikinalat na nakatanggap siya ng offer na mag-host ng noontime show ng GMA 7.
Itinanggi niya ang mga lumabas na balita tungkol dito.
“FAKE NEWS ALERT!
“While I appreciate the positive comments, this one, ultimately is FAKE NEWS.
“WALA po akong natanggap na offer to host Eat Bulaga on GMA 7. At kung magkaroon man, I will STILL DECLINE dahil hindi na po maa-accommodate ng schedule ko at the moment.
“It’s unfortunate na hindi naging maayos ang paghihiwalay ng dalawang kampo and I’m hoping na ma-plantsa na ang gusot. Alam ko kasi na in the future, I will appear on both shows for whatever reason and I would like to feel welcome when that time comes.
“Sa mga nagtatanong naman kung ano ang naging DAHILAN NG PAG-ALIS KO dati sa EB, nasagot ko na po ‘yan sa #BitoyStory 11 (around 02:43 mark) originally posted on October 4, 2018 (here’s the link: https://youtu.be/_i_W3u27aNw ).
“I hope this clears things out for anyone who’s asking. Maging maingat at matalino po sa pagbabasa at pagri-research para hindi tayo mabiktima ng FAKE NEWS.”
- Latest