Piolo, Naghihintay ng tamang panahon bago makipag-jowa

Matagal-tagal nang walang kasintahan si Piolo Pascual. Ayon sa aktor ay nakasanayan na rin niyang walang karelasyon sa mga nakalipas na taon. “Wala eh, lumaki ako, sabi ng pastor sa akin, ‘Mahirap ‘yan ‘pag nawili ka na mag-isa ka lang, ‘pag nawili ka na wala kang kasama, baka masanay ka.’ I think that’s what happened. I’ve been single for so many years,” bungad ni Piolo.

Aminado naman ang aktor na mayroong mga gabing napapaisip siya na sana ay may katabi sa pagtulog. “Of course, there are nights na sana may katabi ka pero I’m not the type na gusto kong may kasama. Nasanay na ako na ganito. Wala kang pinagre-report-an, wala kang kailangang uwian,” makahulugang pahayag niya.

Sa ngayon ay ang trabaho at negosyo muna ang pinagtutuunan ng panahon ni Piolo.

Naniniwala ang aktor na darating ang tamang panahon kung kailan siya magiging handa upang pumasok muli sa isang relasyon. “Kung hindi ka naman makakapag-commit and hindi mo kaya panindigan because you don’t have time for it, ‘wag na lang. I brush it off or hindi ko na lang iniisip. Siguro pagtanda ko nang kaunti aabot din ako do’n. Pero sa ngayon talaga I don’t see it happening. Hindi ko siya ini-entertain and I don’t even see the point of being in a relationship because I’m busy. I’m booked until next year so I don’t have time for it, even if I want it. Wala naman akong time, saan ko siya ilalagay?” giit pa ng aktor.

Gela, naghahanda sa World Hip-Hop Dance Competition

Aktibo na rin sa show business ang nakababatang kapatid nina Arjo at Ria Atayde na si Gela. Magaling na hip-hop dancer ang dalaga at sa susunod na buwan ay nakatakdang lumahok ang grupo ni Gela sa World Hip-Hop Dance Championship na gaganapin sa Arizona. Nagsimula umano ang hilig ni Gela sa pagsasayaw noong kanyang kabataan. “When I was a kid, I used to dance a lot. I heard stories from when I was two, I would already dance to Otso-Otso. I feel like ever since I was a kid, I was drawn to music and with that came dance,” kwento ni Gela.

Puspusan na ang ginagawang paghahanda ngayon ng grupong Legit Status para sa naturang kompetisyon. Naghahangad ang dalaga na manalo ang kanilang dance group. “It’s really the championship. We have no other option but to win. That’s what we keep telling each other na, ‘Kailangan (champions), hindi lang podium (finish). We have to win we’re that eager to win,” dagdag niya.

Ayon kay Gela ay sa kanyang kuya Arjo nakuha ang pagkahilig sa pagsasayaw. Miyembro rin noon ang aktor ng Legit Status kung saan kabilang si Gela ngayon. “It was really kuya Arjo, he really didn’t even have to encourage me. I just watched him before because he used to compete also. I guess just watching him and when I see people dance I felt like, ‘Okay, I wanna dance also.’ I saw kuya and the support of the dance community. I felt like ever since then I watched it, it’s really something I wanted to do,” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)

Show comments