Pinangalanan na ng GMA 7 ang mga uupong coach ng mag-uumpisang The Voice Generations, ang pinakabagong spin-off ng biggest singing competition sa mundo.
Matapos nga ang rebelasyon ng host ng show, ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, pinag-usapan kung sinu-sino ang magiging coach.
Kinabibilangan ito nina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, SB19’s Stell at Parokya Ni Edgar lead singer Chito Miranda.
Sina Chito, Billy, Julie Anne at Stell ay nakatakdang pumili ng mga world-class talents mula sa iba’t ibang henerasyon para makasali sa kani-kanilang koponan.
Kapag kumpleto na ang kanilang mga koponan, ang bawat grupo ay dadaan sa knock-out at sing-offs para maging kauna-unahang The Voice Generations champion sa Asia.
Ito ay isang singing competition kung saan ang mga pag-audition ay nakabatay lamang sa kakayahan sa boses.
Ang isang grupo ay maaaring may dalawa o higit pang miyembro at dapat ay 7 taong gulang pataas mula sa magkaibang henerasyon, na may hindi bababa sa 2 miyembro na may 10 taong age gap.
Gayundin, ang mga miyembro ay dapat magkaroon ng isang tunay na relasyon sa isa’t isa.
Dapat maghanda ang mga nagpa-planong sumali ng dalawang video clip at ang bawat video ay hindi dapat higit sa 10MB. Hindi rin ito dapat lumampas sa 1 minuto at 30 segundo bawat isa.
Maaaring sumali at maging bahagi ng kilalang talent competition sa pamamagitan ng pag upload ang application form at audition videos sa opisyal na website www.gmanetwork.com/TheVoiceGenerationsAuditions.
The last day of auditions will be on June 15 at GMA Network Studios.