Inamin ni Lorna Tolentino na nagka-COVID siya nang bumiyahe sa Cannes Film Festival recently. “Oo nga, doon nga. Hindi na nga ako lumabas after. Siguro mga May 19, masama na ang pakiramdam ko, Biogesic lang ako. Pero okay na ako nung umuwi kasi hindi na nakakahawa, 7th day ko na,” umpisa ng kuwento ni LT nang maka-lunch namin kahapon para sa kanyang birthday blowout for Nay Lolit Solis sa isang fancy restaurant, Antonio’s at PGA (yup ‘yung showroom ng mga luxury car sa EDSA).
Pero wala raw malalang sintomas. “Wala, no fever, sore throat. No cough kaya nga ngayon, right after pagdating ko rito, 25 ako dumating, nung 31, pumunta na ako ng doctor. Nag-test ako for ano... kasi parang may hingal, ‘ba’t ganon, parang may hingal ako.’ ‘Yun bumalik ang asthma ko. ‘Yun ang tini-treat ngayon at sinusitis,” paliwanag pa ni Lorna sa kanyang naging laban sa virus.
Ngayon ok ka na? “Seven days pa lang ‘yung meds ko. Babalik ako doon after a month for repeat ng X-ray and pulmonary.”
Dagdag pang kuwento ng mahusay na actress : “Wala nang mask sa France. Wala ring mask sa Turkey. ‘Yung mask ko nga naging necklace. Kasi ‘pag ginanon (sinuot) ko, titingnan ka. Sabi ko ‘aba, sandali!’”
May idea ka kung saan ka nahawa?
“Ang sabi ng doctor baka sa plane na mismo eh. Kasi kung 19 sumama ang pakiramdam ko, kasi (May) 16 nag-Antigen pa ako, clear na clear.”
Sa team n’yo, walang ibang na-COVID?
“Wala, kasi sila… oo, siksikan dun sa Cannes, sobrang dami ng tao talaga, sa festival, sobra.”
Samantala, itinanggi ni Lorna na bahay nila Sylvia Sanchez sa France ang tinirahan nila nung Cannes Filmfest kasama ang Atayde family - Art, Sylvia, Cong. Arjo and Ria.
“Hindi, basta bahay siya ng isang French guy na ang kapitbahay namin ‘yung mayor nung lugar na ‘yon. Ganon kasosyal yung AirBnB,” depensa niya sa maling tsismis kay Sylvia.
Inintriga ang nasabing bahay ng iba na diumano’y pag-aari ito ng mga Atayde doon sa France na hindi man lang bini-verify ng ibang vlogger.
Anyway, kasama sa hindi malimutang karanasan ni LT sa Cannes Film Festival ay nang makita niya si Leonardo DiCaprio in person.
Gwapo si Leonardo? “Oo, malayo, eh. Nasa Dior area kami, VIP kasi si Sylvia sa Dior so look lang kami ng ganyan sa window habang nagre-red carpet sila. Si Robert de Niro nga medyo old na ‘yung paglalakad niya pero iba pa rin.”
Sino pa ‘yung ibang Hollywood stars na nakita niyo?
“’Yun lang, sila lang eh. Kasi minsan, basta sasabihin na lang sa amin ikot kami sa main area. May main ano ‘yun eh… mga distributor, buyer, seller, meron silang parang isang bilog na lugar, nandun naman lahat ng pelikula, iikutin mo ‘yon.”
So andun kayo as buyer?
“Ako, andun as student. Ang dami, grabe sobra ang tao, talagang grabe talaga ang tao. Talagang siksikan.”
Naka-gown ka nung um-attend ka?
“Naka-rugged, naka-rubber shoes dahil nakaka-10,000 steps kami a day kakaikot.”
Ilang pelikula ‘yung nabili n’yo? “Initial muna ‘yung Monster, kasi dun pa lang. Pero umikot-ikot kami, tiningnan namin ‘yung iba, like ‘yung Cobweb (Korean movie) meron nang ano eh, Korean yata yun, may nauna nang taga-Philippines ang bumili.”
So as a ‘student,’ (hindi literal na student), ano ‘yung natutunan mo dun sa Cannes?
“Nakakahinayang na sana mag-grow pa ang Philippine industry, movie industry.”
Wala tayong nag-participate na local movies?
“Meron naman, sa FDCP (Film Development Council of the Philippines) meron. Andun sila, meron naman pero wala si Kuya Pipo (Tirso Cruz III) eh. Kaya parang sayang, si Liza (Diño) nasa QCinema. Nire-represent niya ‘yung QCinema, kay Mayor Joy (Belmonte).”
Kelan ang commercial run sa bansa nung nabili n’yong pelikula? : “July 5 ‘yung tinitingnan namin na playdate kasi ang daming kalaban na...bago mag-July 5, nationwide.”
Bakit Japanese movie? “May English subtitle, madali naman intindihin ang mga ano eh. Saka sanay na ang Pinoy ngayon dahil sa Korean, ‘di ba, magbasa,” tungkol sa subtitle.
Tuluy-tuloy na raw ang pagiging distributor nila ni Sylvia ng foreign movies pero plano rin naman nilang mag-produce ng local films.
Dati nang may film production sila LT, kaya may idea na siya kung paano magpatakbo ng ganitong negosyo.