Mavy, ‘di apektado ng bashers ng Eat Bulaga
Hindi apektado ng bashers ng Eat Bulaga si Mavy Legaspi.
Kahapon ay sumagot si Mavy sa media conference ng LUV IS : Love at First Read, ang second collaboration project of GMA and Wattpad Webtoon Studios.
“No po,” aniya nang tanungin namin kung nasasaktan ba siya sa massive bashing since Monday sa kanilang ‘bagong’ programa.
Nagbabasa ka ba ng social media?
“Yes po, pero I’m all about positivity na lang po,” pag-amin pa ng young actor.
Nag-o-open ka ba ng comment section? Sundot na tanong namin.
“No, I take criticism as a way to improve myself.”
Maging ang parents daw niya ay hindi apektado ng kaliwa’t kanang bashing umpisa nang umere ang bagong version ng Eat Bulaga under the new management of TAPE Inc. last Monday.
Isa si Mavy sa mga regular ng programa along with Paolo Contis, Betong Sumaya and Buboy Villar kasama ang kambal niyang si Cassy.
“Surprisingly pag-uwi ko, it was never really about, ‘yung pagba-bash, ‘yung comments ng netizens, it was about ‘how did you feel? Kamusta ‘yung pakiramdam mo? Ito pinanood kita, ‘yung mga reaction mo whatsoever.’ Laging dun sila sa improvement. It was always like that na ‘Oh dapat, Mav, may mga instance ka na parang masyado kang on the script whatsoever. Pwede kang mag-adlib adlib. It was always about constructive criticism, tough love,” kuwento pa ng actor na mapapanood beginning June 12 katambal si Kyline Alcantara, Mondays to Fridays at 5:40 p.m. on GMA 7.
Saka sanay na raw ang mga magulang niya sa ganitong bagay.
“May mas malaking push kasi ‘yung dad ko and I’m free to say this, ito nga ‘yung sinabi niya sa akin. I believe them kasi they’ve been in the industry for so long and they know kung anong opportunity dapat i-grab para ma-improve ang skills and whatsoever.”
Paano naman ang mom mo?
“My mom, definitely, medyo sensitive on her end, pero dun siya sa improvement ng mga anak niya, towards Cassy and I. I appreciate that dahil alam ko close to heart ‘yung EB sa kanya and very sensitive siya. And of course, I won’t talk about that. I just want to put out there the personal and the family, and together with the EB hosts, we’re good, trabaho lang, that’s what they said, ‘trabaho lang.’”
Na-imagine ba niya na magkakaroon siya ng ganitong chance?
“I’ve never imagined, definitely, mag-judge ng dance competetion nila, it was always a dream of mine to host EB for sure. I did not see this coming. I take it as a blessing for me to improve also,” sagot pa ng binata nina Zoren Legaspi and Carmina Villarroel.
Anyway, ano ba talagang status nila ni Kyline Alcantara?
“We definitely have something special. We’re in the more personal and of getting close to her… ‘yung family niya and with my family. Knowing my mom, matagal (na) proseso ‘yon. Very protective siya sa akin pagdating sa babae pero she’s very open, she’s very willing dahil nakikita niya naman sa anak niya, which is me, na kaya kong ibalanse ‘yung trabaho, ‘yung pagmamahal and ‘yung time para sa sarili ko at ‘yung time para sa kanila,” aniya pa kahapon sa presscon ng LUV IS: Love at First Read.
- Latest