Baguhang singer na si Shira Tweg, hinihintay ang tamang panahon
Isa na siguro sa pinakamabait na na-meet namin si Mommy Tine Areola na nanay ng bagong star na si Shira Tweg na alaga ni Bambbi Fuentes.
Talagang napaka-sweet at laging may padala sa amin na mga Turkish delight gaya ng mga tinapay at pastries. Kasi nga taga-Middle East ang tatay ni Shira kaya meron siyang mix features na nakadagdag sa beauty niya.
Hindi lang maganda ngayon ang takbo ng showbiz, pero siguro given the proper time baka matupad ang mga pangarap ni Shira.
May talento, merong ganda, kaya why not? Magtiyaga lang siya at huwag magmadali, mararating din niya ang pangarap niya.
At dahil nga napakaganda ng PR nila, tiyak na maraming tutulong para marating niya ang dream niya. Basta tiyaga lang at huwag mainip, Shira, mararating mo rin ang pangarap mo.
Lorna, nakipag-lunch date
Kahapon talagang kahit meron akong kuliti umapir ako sa lunch date namin. Kasi nga imagine si Lorna Tolentino na sa excitement, dinala pati ang dalawang apo para ma-meet ang Sushi Team.
Talagang sunud-sunod ang lunch namin dahil pagkatapos ni Lorna at kay Rubby Coyuito naman kami.
Hah hah tataba na kaming lahat sa lunch meeting.
Eh dapat daw magbawas ako ng timbang para konti lang ang hatakin ‘pag dialysis ko.
Nagtataka nga ako dahil kung talagang maysakit ako bakit ang gana kong kumain. Talagang doble gana kaya naman tumataas ang timbang ko.
Excited pa naman ako lagi ‘pag may lunch date, napaparami ang kain ko dahil sa long conversation na nagiging exciting lalo ‘pag andiyan si Leo Espinosa.
Dagdag pa mga kuwento ni Pat-P Daza. Talagang marami ngang naiinggit sa aming mga lunch date kaya hayan, kinulam na ako ng mga inggitera at plastic.
Bongga.
- Latest