'Ibang army 'yun!': Karla Estrada ginamit NPA theme song para parangalan AFP

Kuha kay Karla Estrada
Video grab mula sa Instagram account ni Karla Estrada

MANILA, Philippines — Proud na proud ang aktres at TV host na si Karla Estrada ngayong malapit na siyang maging Philippine Army Reservist — pero hindi niya alam, kanta ng New People's Army ang ginamit niyang awit para saluduhan ang militar sa kanyang Instagram.

Martes kasi nang ibahagi niya ang kanyang journey para maging bahagi ng reserve force ng Armed Forces of the Philippines.

"Commission into the reserve Force,AFP. Soon to be a Philippine Army Resevist. #toservewithloveformycountry," banggit niya kahapon sa isang video sa Instagram.

View this post on Instagram

A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121)

Ipinasilip din niya ang isang slideshow video kung saan kasama niya ang ilang kasundaluhan, pero kapansin-pansing hindi awitin ng hukbo ng gobyerno ang pinatutugtog dito.

"Ang Bagong Hukbong Bayan (Anthem of the New People's Army)" ang makikitang title ng sa itaas ng kanyang video reel sa IG, bagay na agad napansin ng netizens.

Kilala ang NPA bilang isang isang grupong militar na pinamumunuan ng rebeldeng Communist Party of the Philippines. Isa ito sa mga pinakamatinding kalaban ng Philippine Army at AFP.

Naglulunsad ito ng armadong pakikibaka para mapalitan ang kasalukuyang gobyerno upang tapusin ang "imperyalismo," "burukrata kapitalismo" at "piyudalismo."

"Anthem daw ng NPA yan karla," wika ng IG user na si @victorcapili sa comments section.

"NPA ka? Research muna tungkol sa kanta na ginagamit," sabi naman ni @jireh360.

Ang ilang netizens, agad na dinownload ang video bilang patunay kung sakaling burahin.

pic.twitter.com/ghJsnfudC2

— AlterRichards (@misterbait247) June 7, 2023

Tangina ni Karla Estrada. Nag-post ng reel sa Instagram featuring her photos as a PH Army reservist, tapos ang bg song dun ay...

"Ang Bagong Hukbong Bayan," literally an anthem for the NPA. (Bahagi ito ng 1976 album na "Bangon!")

Di ko alam kung matatawa o maiiyak ako eh ????????????

— karl #MarcosMamamatayTao (@eicvsfascism) June 7, 2023

Sa kabila ng "Wow Mali" moment ni Momshie Karla, pinaulanan naman siya ng papuri ng mga kasama sa showbiz industry dahil sa landas na kanyang tinahak ngayon.

"Wow!!! Proud of you, mare!!!" ani Ruffa Gutierrez.

Sabi naman ni Tiyang Amy Perez-Castillo: "Galing! Congratulations!"

Show comments