Moira nag-file ng nullity of marriage

Moira
STAR/ File

Tinabunan na ng mainit na isyu ng Eat Bulaga ang ilan pang isyu at intrigang pinag-usapan sa social media.

Isa na nga rito ang kina Moira dela Torre at Jason Hernandez, na sumali pa si Lolito Go.

Humaba rin itong kuwento ni Lolito, pero pagkatapos ng post niya tungkol sa magulang ni Moira, nanahimik na siya.

Sabi niya sa kanyang huling FB post na meron siyang addendum, nagkausap daw sila ng magulang ni Moira at maraming bagay raw ang nalinaw.

“Lumuwag ang mga puso namin. Sana magpatuloy na lang ‘yung ganitong peace.”

Kaya ‘yun na rin ang hiling ng mga taong malapit kay Moira at ilan pang taong involved.

Sana magkaayos na lang.

Sana ‘yung pakikipag-usap ni Lolito sa magulang ni Moira ay hudyat na ring magkaayos silang magkaibigan.

Wala pang update sa akin ang legal counsel ni Moira na si Atty. Joji Alonso at wala pa siyang sinasabing itutuloy na ng singer/composer ang pagsampa ng reklamo sa korte laban kay Lolito. Sana maayos na nila ito na hindi na umabot sa demandahan.

Sabi naman ng ilang taong malapit kay Moira, hindi raw talaga ito sanay sa ganitong gulo.

Ang hintayin na lang natin kung itutuloy ni Moira ang pag-file ng petition kay Jason. Sa pagkakaalam ko ‘yung sinasabi ni Atty. Joji na petition ay ‘yung Petition for Nullity of Marriage.

Eat Bulaga, aligaga sa pagkuha ng bagong hosts

Ang latest na nakalap namin tungkol sa Eat Bulaga, puspusan na raw ngayon ang pagkuha nila ng production staff at hosts.

May mga naka-schedule na raw na meetings sa ilang Kapuso artists, pero sobrang confidential kung sinu-sino ito.

Ang gusto lang daw nila ay makabalik na sila nang live na mga bago na ang lahat ng hosts.

Tina-target na raw nilang makapag-live na sa darating na Lunes, pero ewan ko lang kung kakayanin.

Ang dami pa rin daw nagsa-suggest sa kanila na huwag nang gamitin ang titulong Eat Bulaga, o kaya may idadagdag lang o babaguhin sa title. Pero mas gusto pa rin daw talaga nilang i-retain ang dating titulo.

Samantala, wala pa ring pinapa-finalize sa kampo nina Tito, Vic and Joey.

Gusto na raw muna nilang manahimik sa ngayon.

Sobrang naabala lang daw si Bossing Vic sa dami ng mga tumatawag at nagti-text sa kanya.

Pinipili na lang daw niya ang mga sasagutin, dahil mas gusto na lang daw muna niya ng katahimikan.

Chavit, ayaw nang mag-invest sa Miss Universe

Hindi lang pala si Lee Seung-Gi ang katulong ng dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson, kundi ang iba pang Korean superstars na gustong pumunta ng Maynila.

Sabi ni Manong Chavit nang nakapanayam namin sa DZRH kamakailan lang, maganda raw ang nakaplano ng Korean investors sa gagawin nilang Little Seoul sa Metrowalk, Pasig.

“Meron kaming program ngayon na part of LCS group na puwede rin kaming magdala ng mga trabahador sa Korea, at ‘yun mga taga-Korea naman magpupunta dito… hindi lang tourist kundi maggagawa sila ng mga show… parang ‘yung mga napapanood natin.

“Aside sa mga building na itatayo diyan, magkakaroon sila ng mga iba-iba, kagaya ng sinabi ko. May mga ibang opisina diyan, magti-train din kami ng mga ipapadala sa Korea. Parang mga K-pop dancers. Iti-train sila dun, In fact, may mga napili na kaming iti-train dun, para mas mura sabi nila, dito na lang iti-train. Kasi kapag mag-training ‘yan, taon ‘yun, tatlo o apat na taon, Mabilis na ‘yung tatlong taon,” bahagi ng pahayag ni Manong Chavit tungkol sa plano nila sa Metrowalk.

Samantala, napag-usapan din namin ng dating gobernador na hanggang ngayon pala ay tinatawagan pa rin daw siya ng mga nangangasiwa ng Miss Universe.

Aminado siyang nalugi sila nung ginawa nila ang Miss Universe sa ating bansa, pero okay na raw ‘yun dahil malaki naman daw ang nagawa sa ating bansa, at napatunayan nilang kaya nilang mag-stage ng Miss Universe sa Pilipinas.

“May nabalik naman na iba. Pero of course, nalugi tayo ng konti,” pakli ni Manong Chavit.

“Dahil dun, binibigay na sa akin taun-taon kung saan ko gustong gawin ‘yung Miss Universe. Wala nang down payment, meron pang discount.

“Sabi ko salamat, pero saka na lang kako,” dagdag na pahayag ni Manong Chavit Singson.

Mas gusto niyang mag-focus na muna sa malaking project niya na Little Seoul kasama ang Korean investors na marami pa raw nakaplano sa ating bansa.

Show comments