Tape, naglabas ng ‘bwelta’ sa TVJ!
Wala pang sinasabi ang TAPE Inc. kung sino ang papalit kina Tito, Vic, and Joey at sa iba pang host ng Eat Bulaga, pero naglabas sila ng official statement na hindi raw naka-depende sa tatlong tao ang tagumpay ng programa nila kaya mas higit pa raw sa isang libo’t isang tuwa ang mapapanood rito.
Kumbaga ay sagot ang nasabing statement sa mga pangyayari sa programa kung saan nga ay kumalas ang TVJ sa longest running noontime show.
Narito ang kanilang statement na pirmado nina Romeo ‘Jon’ M. Jalosjos Jr, President/CEO and Seth Frederick ‘Bullet’ P. Jalosjos, Director of Finance.
“TAPE, Inc. is saddened by the turn of events yesterday, May 31 but we respect the decision of the hosts to leave Eat Bulaga and GMA 7 Network, which has been their home for 28 years.
“We are grateful to the men and women who worked tirelessly for the past 43 years to make our noontime show number 1. The success of Eat Bulaga is not dependent only on three (3) people but on the collaborative efforts of its talents, crew, and loyal viewers.
“We are happy for the full support of GMA 7 in making Eat Bulaga bigger, to bring more fun and excitement to every Filipino.
“We want to assure the public and the supporters of the show through its segments that we are committed to provide quality entertainment.
“It is unfortunate, but life must go on. As with life, we have to accept changes but we have a duty to every Filipino.
“Abangan ninyo ang mga bagong magpapasaya at magpapatibok ng ating mga puso. Aasahan ninyo ang mas masaya, mas nakakaaliw at HIGIT PA SA ISANG LIBO’T ISANG TUWA na Eat Bulaga. Patuloy ang Dabarkads na maglilingkod para sa inyo, mga Kapuso MULA APARRI HANGGANG JOLO AT SA BUONG MUNDO.
Ang pag-alis ng mga hosts ay hindi dahilan para tumigil ang pag-ikot ng mundo.”
Kahapon ay replay pa rin ang napanood sa EB.
Ibang trabahador ng Bulaga, nagbabalak daw lumapit sa labor!
Marami pa ring unreal ang pakiramdam sa nangyayari sa EB.
Nagpaalam nga sina Tito, Vic, and Joey sa programang naging institusyon na. At hindi akalaing mangyayari ‘yun.
Kabilang dito si Ice Seguerra na nag-umpisa at nakilala sa Eat Bulaga.
“Hindi ko naiintindihan ang nararamdaman ko. Lungkot ba o saya?
“Malungkot ako sa nangyayari. Sa kawalang respeto. Malungkot ako dahil sa hiwalayang Eat Bulaga at TAPE, mayroong mga taong mag-iiba ang lagay sa buhay. Nalukungkot akong umabot sa ganito.
“Pero masaya ako dahil malaya na sila. Bakit ka mananatili sa isang relasyong hindi ka naman masaya. Hindi rin ako natatakot sa kinabukasan ng programa. Ang Eat Bulaga ay Eat Bulaga. Kahit saang network sila mapadpad, walang paltos silang makakalipad.
“Kaya sulong lang, Dabarkads. Simula pa lang ito nang mas maningning na bukas.”
Si Ogie Alcasid din ay nagbigay-pugay.
“My very first regular tv gig was on eat bulaga as i was a part of a group called “hitmakers” with cheenee, gay m., gary b, and the late ed puzon in the year 1989. And as i branched out into being a recording artist, eb was always there to give us the platform to sing and perform. I know this is not the end for the iconic eb. Only the start of a new beginning. #tribute #paggalang.”
Samantala, nanatiling tahimik ang TV5 sa usap-usapang sa kanila na mapapanood ang TVJ, na magiging Dabarkads daw ang title.
Pero hindi na diumano noontime dahil nga andun ang It’s Showtime. Though may mga nagsasabi naman na hindi naman longtime ang agreement ng TV5 at Showtime pero kasama raw dito ang airing ng PBA sa Kapamilya Channel.
Anyway, may nag-Marites pala sa management ng TAPE Inc. sa plano kaya hindi na pinayagang umere sa TV noong Miyerkules ang TVJ kaya hanggang sa Facebook lang sila napanood.
Pero true kayang nagbabalak ang ibang staff na magreklamo sa Department of Labor dahil wala silang natanggap na retirement / payback?
Ang isa pang chika, diumano’y eeksena si Mayor Bullet Jalosjos sa bagong version ng EB.
Siya diumano ang mamimigay ng datung na biglang susulpot sa lucky viewers na naka-motor?
Ang sabi, diumano’y nagpa-plano kasi itong kumandidatong senador?
Aside from TVJ, kasama nilang kumalas sa programa ang iba pang host nito.
- Latest