^

PSN Showbiz

Vice wala pang oras magkaanak, ipinaretoke ang ilong ng pamangkin

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vice wala pang oras magkaanak, ipinaretoke ang ilong ng pamangkin
Camille at Vice

Tinulungan ni Vice Ganda ang pamangkin na si Camille Viceral na magparetoke ng ilong.

Ayon sa It’s Showtime host ay hindi naman talaga hiniling sa kanya ng dalaga na suportahan niya ang planong pagpapaayos ng ilong. “That’s something that she likes. Tinanong ko siya, ‘Bakit hindi mo sinabi sa akin?’ ‘Hindi kasi siya necessity.’ ‘Yon ang sinabi niya. Sabi niya parang, ‘Naisip ko ‘yon what if ipagawa ko ang ilong ko? Parang gusto kong ipagawa ang ilong ko. Parang gusto ko ipagawa ang baba ko pero hindi necessity kaya hindi ko siya hinihiling.’ Tapos sabi ko, ‘What if may mag-sponsor?’ ‘Eh di go!’ Sabi niyang gano’n. Habang sinasabi niya ‘yon, nagte-text na ako kay Dra. (Vicki) Belo,” nakangiting kwento ni Vice.

Hinangaan daw ng komedyante ang katapangan ni Camille na sumailalim sa operasyon sa beauty clinic.

Si Camille ay ang anak ng kapatid ni Vice na si Marivic.  “Ang tapang niya talaga. Sabi ko sa kanya, ‘Baka ma-bash ka?’ Sabi niya talaga, ‘I don’t care. I am doing this for myself.’ Saka ilong naman niya ‘yan. No’ng una nag-aartehan pa sila. Naririnig ko, sabi niya, ‘Talagang hindi ka man lang nagpaalam sa akin, nanay mo ako.’ Tapos ako nag-explain, ‘Ano ka ba, matanda na ‘yung anak mo, nasa tamang edad na. her body, her rules.’ Sabi ko sa kanya, we can only guide her pero hindi natin pwedeng i-impose sa kanya kung ano ang dapat at hindi dapat,” pagdedetalye ng It’s Showtime host.

Samantala, kahit gustung-gusto nang magkaroon ng sariling anak ni Vice ay hindi pa raw ito posibleng mangyari sa ngayon. Matatandaang nabanggit ng komedyante noon sa mga pahayag na talagang plano niyang magkaroon ng supling. “Gusto ko na talaga, ‘yung panahon lang ang kalaban ko. Nahihirapan ako maghanap ng panahon. Mahabang proseso kasi siya. Kailangan ko talagang maglaan ng panahon,” pagtatapat ng Unkabogable Phenomenal Star.

Dolly, may mensahe para sa mga baguhan sa showbiz / loveteam

Nagbigay ng opinyon si Dolly de Leon tungkol sa pagkakaroon ng love team sa show business. Nakasanayan na mula noon pa man ang mga tambalan sa pelikula at telebisyon. “Love teams are still okay, but it depends on the actor. Kung hindi mo type mag-love team, don’t attach yourself to a love team. There’s still value to it kasi may mga taong makaka-relate sa mga istorya ng young love. Kasi a large part of our population is composed of young people. So they want to see a reflection of themselves,” makahulugang pahayag ni Dolly.

Para sa aktres ay may karapatan ang bawat artista na magdesisyon para sarili kung mamarapating magkaroon ng katambal o hindi. “It also matters when we tell stories to make sure that everyone is represented. Kaya hindi rin ako pabor na mawala siya. If some people think it won’t be good for them, then don’t do it. But for other people, it works,” dagdag pa niya.
Mayroon ding mensahe si Dolly para sa mga baguhang artista na nangangarap sumikat at magtagal sa industriya. “Isipin n’yo kung bakit gusto n’yong maging artista. Anong motivation n’yo? And if your motivation is for the right reasons, keep studying, keep researching. Improve and hone your craft for the right reasons,” pagtatapos ng magaling na aktres. (Reports from JCC)

VICE GANDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with