Boss Vic at Mother Lily, ‘di nakakalimot!

Boss Vic at Mother Lily

Sobra pala tala­ga akong mahal ni Boss Vic del Rosario. Imagine nasa abroad siya sa bakasyon pero talagang kinumusta niya ako dahil nga alam niya na meron akong medical issues.

Talagang nagwo-worry siya na hindi pa ako completely magaling at nagtatanong kung ano ang needs ko.

Iba talaga ang PR at concern ni Boss Vic at tulad din ni Mother Lily Monteverde parang family ang pagmamahal niya sa mga taong close sa kanila.

Kaya mahal na mahal ko si Boss Vic na para ring si Mother Lily itinuturing ko talagang mga taong complete ang respeto at pagmamahal ko. Sila lang siguro ang mga tao na puwedeng magsabi sa akin na gawin mo ito, huwag iyan nang hindi ako mao-offend o tatanggi.

Ganun kalaki ang respeto ko sa kanila aside from ang pagmamahal ko.

Mga nagkakaedad, marami nang iniinda

Naku, ang kati-kati ng mga mata ko, kaya nagpatingin ako sa eye clinic katabi ng dialysis room ko sa FEU Hospital. Ang babait at attentive ng mga staff doon at ng eye doctor na tumingin sa akin.

Naloka ako dahil meron daw akong kuliti kaya pala makati ang mga mata ko. Pero bago iyon, testing testing muna.

Pinatakan ng eye drops na sabi mga 45 minutes daw magiging malabo ang mga mata ko.

Naku ha, overnight hanggang tanghali malabo pa rin siya. Overacting na kuliti ito na talagang pinahirapan ako.

Samantalang noong bata ako, lagi akong may kuliti na ang tuksuhan dahil naninilip daw kaya nagkakaroon nito.

Hay grabe, bakit ganun porke 76 na, ang dami nang issues. Kaya enjoy your youth, lahat gawin n’yo na para happy na kayo habang young.

Show comments