^

PSN Showbiz

Kumpirmado sa TV5?! Tito, Vic and Joey, nilayasan ang Eat Bulaga!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Kumpirmado sa TV5?! Tito, Vic and Joey, nilayasan ang Eat Bulaga!
Tito, Vic and Joey

Talagang binulaga tayo ng nakagigimbal na balita mula kina Tito, Vic Sotto, and Joey de Leon ng Eat Bulaga kahapon.

Maaga pa lang ay may mga nasagap na ka­ming kuwentong may ia-announce nang live ang TVJ sa Eat Bulaga.

Ang ikinagulat ng lahat, replay ang inere sa naturang noontime show.

May nag-text sa amin na sa Facebook ng Eat Bulaga raw kami tumutok, hindi sa TV.

Bandang ala-una ng hapon nagsalita na sina Tito, Vic and Joey sa Facebook ng Eat Bulaga.

Sabi ng dating Sen. Tito Sotto, “Pumasok po kaming lahat ngayong araw para magtrabaho, pero hindi po kami pinayagan ng new management na umere nang live.”

Ani Joey de Leon, “July 30, 1979 po, nang simulan namin ang Eat Bulaga… 44 years na po ito ngayong taon.

“Kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa mga naging tahanan namin – ang RPN 9 for 9 years, ABS-CBN for 6 years, at ang GMA for 28 years.”

Sabi naman ni Vic Sotto, “Salamat din sa lahat ng advertisers mula 1979 na nagmahal, nagtiwala at sumuporta sa amin.”

Ani Tito Sen, “Ganundin sa inyo, mga Dabarkads—sa mga manonood—sa inyong pagmamahal sa programang naging bahagi ng inyong tanghalian.

“Lubos din ang aming pasasalamat kay Mr. Tony Tuviera sa pagkakaibigan at pagiging bahagi ng aming pamilya…at higit sa lahat, sa Panginoong Diyos na kahit kailan hindi Niya kami pinabayaan.”

Muling nagsalita si Bossing Vic, para pormal nang magpaalam.

“Ito po siguro ang pinakamahirap na desisyon na ginawa namin simula 1979…hindi na po namin isa isahin pa ang laman ng aming puso.

“Ang hangad lang po namin ay makapagtrabaho ng mapayapa, walang inaagrabyado, at may respeto sa bawat isa.

“Simula ngayong araw, May 31, 2023, kami po ay nagpapaalam na sa TAPE, Incorporated.

“Karangalan po namin na kami’y nakapaghatid ng tuwa’t saya mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay niyo.

“Maraming salamat po sa inyong lahat. Hanggang sa muli…

“Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa.”

Nakalulungkot ang pagpapaalam ng TVJ, dahil sa loob ng 44 years na ginagawa nilang pagpapasaya sa longest-running noontime show na ito, ganun lang ang ibinigay na pagpapaalam.

Kung hindi man maganda, at hindi sila nagkasundo sa bagong management, hindi pa rin nila deserve ang ganung pagtrato ng bagong management.

Sana binigyan sila ng oras para makapagpaalam nang maayos sa taumbayan na sumabay sa pagtanda ng naturang noontime show.

Maaaring nakarating na rin sa mga Jalosjos ang mga balitang may pag-uusap sa TV5 para sa posibilidad na paglipat doon.

Sabi nga ni Tito Joey sa kanyang Instagram post, “We’re not signing off…we are just taking a day off!”

Kaya abangan natin kung ano ang susunod na magaganap.

Ang ilan sa nabalitaan namin, done deal na raw ang TVJ sa TV5. Posibleng kasama raw ang buong Dabarkads at ang buong production staff na maaaring gamit pa rin ang titulong Eat Bulaga.

Pero may naririnig kaming balitang, tinatawagan daw ng taga-TAPE, Inc. sina Jose Manalo, Wally Bayola, Allan K, at pati na rin si Paolo Ballesteros. Wala lang kaming balitang sinagot nila at nag-commit na sila sa TAPE.

Ang ilan pang nasagap naming kuwento na hindi pa naman kumpirmado, bagong show na raw ang gustong i-produce ng TAPE, Inc.

Pero may binubuo na raw silang line-up ng show. Baka hindi na raw Eat Bulaga ang gagamitin kundi bagong show na talaga.

May lumabas pa ngang balitang kinakausap ng Jalosjos siblings si Willie Revillame, pero hindi lang tiyak kung alam na ito at kung papayag ang GMA 7.

Samantala, malaki ang posibilidad na ang TVJ na ang magkaroon ng noontime show sa TV5 dahil ang isa pang nakarating na balita, hanggang June 30 na lang daw ang kontrata ng It’s Showtime sa TV5.

Hindi naman daw inaayos ng Kapatid network ang renewal ng kontrata. Kaya may posibilidad na hindi na sila ipag-renew, dahil nandiyan na ang TVJ.

Abangan natin kung ano ang susunod pang magaganap, dahil tiyak na marami pang maglalabasang kuwento.

Pero ang sabi pa sa amin, sa mga susunod na araw ay replay raw muna ang Eat Bulaga.

EAT BULAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with