Moira, magdedemanda?!

Moira

Lalong lumalala ang isyu nina Moira dela Torre at Jason Hernandez sa pagpasok sa eksena ng ilang taong malapit sa kanila.

Ang haba ng hanash nitong composer na si Lolito Go na malapit sa estranged couple.

Matindi ang akusasyong isinulat sa kanyang Facebook account na ang daming pumik-ap.

Sinagot ito ng taga-Cornerstone na nagma-manage kay Moira na si Jeff  Vadillo.

Pinasinungalingan ang ilang pasabog ni Lolito, na kaagad din naman niyang sinagot ang statement ni Jeff.

Lalong pinutakti ng bashing ang naturang composer na maraming nakaaalam na malapit ito sa estranged couple lalo na kay Moira.

May ilang naintindihan ang mga pahayag ni Lolito. May punto naman daw siya, at naintindihan nila ang pagkampi nito kay Jason. Pero hindi maitatangging nakasisira sa pagkatao ni Moira ang inilabas niyang statement.

Kaya inaasahan naming posibleng aabot ito sa demandahan.

Obvious na itong isyu nina Moira at Jason ang itinutukoy ni Atty. Joji Alonzo sa kanyang FB post.

Aniya; “I have been advising a celebrity client not to pursue legal action against her estranged husband, despite strong grounds against him, and instead focus on the more important issue—where a Petition is set to be filed.

“Then today, someone writes a story filled with lies and decides to make it a ‘pinned post’, with no intention other than discrediting and maligning said client. No matter how much I believe in forging peaceful co-existence, this is not one we will let pass.

“This someone must be sued and take accountability.”

Kaagad namang sinagot ito ni Lolito Go sa kanyang sariling FB page.

“When someone is getting sued, it doesn’t automatically mean they’re wrong. When someone is getting sued, it doesn’t automatically mean they’re getting locked up. Anyone can sue. And I am not someone you can intimidate by legal actions. I am willing to face the music,” sabi naman ni Lolito.

May ilan kaming nakausap na totoong close daw sina Moira at itong si Lolito.

Nalaman pa nga nilang tumulong pa noon si Moira sa medical expenses ni Lolito, lalo nung panahong talagang nangangailangan ito.

Kaya nakakalungkot daw na umabot pa sa ganitong sitwasyon ang kanilang pagkakaibigan, dahil sa problema nina Moira at Jason.

Type talaga ng mga netizens ang negatibong isyu kagaya nitong balitaktakan sa hiwalayan nina Moira at Jason, at ang mga hanash ni Pokwang sa dating partner niyang si Lee O’Brian.

Pero sa totoo lang, mas magandang pag-usapan ang pagkakasundo ng mga naghiwalay na mag-asawa alang-alang sa kanilang mga anak.

Ang gandang tingnan nang magsama sina Carlo Aquino at Trina Candaza sa Moving Up ng anak nilang si Mithi.

Sabi nga ni Sunshine Cruz, alam niyang darating ang araw na magkakaayos din sila para sa kanilang anak.

Ganundin ang ang latest na IG post ni Claudine Barretto nang dumalo sila ni Raymart Santiago sa graduation ng anak nilang si Santino at ng adopted daughter nilang si Sabina.

Ganundin sina Romnick Sarmenta at Harlene Bautista, na matagal na ring naghiwalay at open na sila ngayon sa kani-kanilang lovelife.

Pero pagdating sa kanilang mga anak, walang isyu sa kanila.

Ibinibigay ni Harlene kay Romnick ang karapatan sa kanilang mga anak.

Ani Romnick sa nakaraang mediacon ng Unbreak My Heart; “I get to borrow the kids. She (Harlene) gets to decide on a lot of things. And I think normal yun, di ba?

“Kahit naman magkasama kayo sa bahay, madalas yung nanay ang nagdedesisyon sa maraming bagay.

“So, okay lang. Basta iyung sa akin lang, what’s important with me, is that I get to spend time with the kids, you know, and that they get to spend time with me and their sibling.”

Alam naman ng lahat ang tungkol sa kasalukuyang partner ni Romnick na si Barbara Ruaro, at meron silang isang anak.

Maganda raw dahil nakaka-bonding daw ng mga anak niya kay Harlene ang bunso nilang kapatid kay Barbara.

Masaya na rin daw si Romnick sa kasaluku­yang partner ni Harlene na si Federico Moreno.

“You know, he’s really a very decent. Very nice guy. Even my daughters keep saying how nice he is with them. So, I can only be grateful for that,” saad pa ni Romnick.

Ang aktor ang gumaganap dito sa Unbreak My Heart na ama ni Joshua Garcia.

Sa first two episodes ng bagong teleseryeng ito ay mapapanood na ang konek ni Romnick sa nangyari kina Joshua at Jodi Sta. Maria.

Show comments