Sharon, iniintriga sa pagpapatigil ng construction ng kanilang mansion!
Kabilang si Sharon Cuneta sa natuwa sa paglalantad ng relasyon nina Coco Martin and Julia Montes.
“Umamin na ang mga anak ko yaayyy!!! Happy is Mommy ‘mysha!@montesjulia08 @cocomartin_ph.”
Ang daming nagpasalamat na fans ng mag-jowa kay Sharon pero may ilan ding basher na kesyo raw nagsisipsip lang si Sharon para magkaroon ng role sa FPJ’s Batang Quiapo.
Mabilis namang sumagot ang fans ni Ate Shawie na “Coco already said he has plans to include Mommy Sha in Batang Quiapo. Inuunti-unti niya pa lang sa ngayon. And besides, she is THE Sharon Cuneta – hindi niya kailangan sumipsip. She’s genuinely loved and respected by both Coco and Julia.”
Sa FPJ’s Ang Probinsyano ang last TV appearance ni Sharon at doon mas naging close sila ni Julia.
Besides, nabanggit na ni Sharon sa mga nauna niyang post na marami siyang nakapilang project this year.
Anyway, as expected iniintriga rin si Ate Shawie kung bakit natigil ang construction ng kanilang mansion sa Laguna.
Kesyo kulang daw ang budget ni Ate Sharon ayon diumano sa mga contractor.
Ang bilis ngayong mag-judge sa social media kaya naman lahat na lang puwedeng ibintang sa mga celebrity kahit ‘di naman nila alam ang totoong kuwento.
- Latest