Nahirapan si Joshua Garcia sa kanilang kissing scene ni Jodi Sta. Maria sa Unbreak My Heart.
Though dumaan naman sila sa sensuality workshop kaya alam na nila ang limits and bounderies.“Nag-prepare kami, dumaan kami sa international sensuality workshop. And then dun namin nasabi ‘yung mga limit namin, ‘yung boundaries kung hanggang saan lang ‘yung kaya naming ibigay. ‘Yung direktor ‘yung tumahi no’n para sa amin.
“Actually akala ko sobrang hirap talaga niya pero I think dahil sa tiwalang ibinigay sa akin ni Ate Jodi, sa alalay nina Direk Manny at Direk Dolly, mas naging madali ‘yung eksena,” chika ni Joshua sa ginanap na media conference kahapon ng kauna-unahang collaboration ng ABS-CBN, GMA 7, and Viu.
Pagdating naman kay Gabbi Garcia, feeling niya kahit tapos na ito, magkaibigan pa rin sila ng Kapuso actress. “Magaan siyang katrabaho. Siya ‘yung masasabi ko na, feeling ko close pa rin kami pagkatapos nitong show, magkaibigan pa rin kami. Magaan siya kasi nakakapag-open up ako sa kanya.
“‘Di ba nag-shoot kami abroad, malayo kami sa Pilipinas, syempre ‘di maiwasan na ma-miss ‘yung pamilya mo, ‘di ba? And Gabbi and Ate Jodi, sila ‘yung nand’yan para makinig ng mga kung anu-anong istorya ko. And as an actor, sobrang giving ang professional siya, at maalaga siya sobra.”
Samantala, nang natanong si Joshua kung ano ang craziest thing na nagawa niya noong heartbroken siya.
Ayon sa aktor, pandemic ‘yun at naalala niyang nagbabad siya sa computer ng dalawang araw na walang liguan at walang tayuan.
“‘Yung computer nakatulong sa akin, it’s an escape for me,” sabi niya.
Pero may na-realize siya na hindi rin ito nakatulong sa kanya ‘yun.
“Kasi naging escape siya dun sa nararamdaman ko. Nung nagsawa ako sa computer, mas do’n ko naramdaman lahat. Du’n ko nai-process lahat,” paliwanag pa ng aktor at dun na na-unbreak ang heart niya.
Walang nabanggit si Joshua kung sino ang babae pero si Julia Barretto ang last na karelasyon niya officially.
Anyway, ang Unbreak my Heart ang first-ever collaboration ng ABS-CBN and GMA-7 at mag-uumpisang mapanood sa May 29 on GMA Telebabad, Pinoy Hits, and I Heart Movies at 9:35 from Mondays to Thursdays, 11:25 p.m. on GTV at available sa GMA Pinoy TV and TFC.
Unbreak My Heart which was shot in the scenic locations of Switzerland, Italy, at dito sa Philippines, directed by Emmanuel Palo and Dolly Dulu and produced by Dreamscape Entertainment.
Sayang at wala si Richard Yap sa nasabing presscon.