RadRed na ang pangalan ngayon ng bandang kilala dati bilang Jose Carlito at kasunod ng pagpalit nila ng pangalan ang paglunsad ng kanilang upbeat summer anthem na Mr. Sun.
Ang band frontman na si JC Padilla ang sumulat ng bagong kanta at nagprodyus nito sa ilalim ng Star Music label ng ABS-CBN.
“’Mr. Sun’ is about finding meaning in life and appreciating its beauty,” sabi ni JC. “May hiling ito sa araw na magliwanag doon sa mga naguguluhan para makalimot sa kanilang mga pinagdadaanan.”
Isang four-piece band ang RadRed na kinabibilangan nina JC (vocals), Katsumi Kabe (guitars), JZ Lorenzo (bass), at Bryan Tuazon (drums). Nais nilang maghatid ng modern flavor sa ‘90s rock at ‘70s blues rock gamit ang kanilang musika.
Sila ang nasa likod ng mga awiting Dystopia, At Kahit, Big White Wall, Blankong Imahe, at iba pa.
Nagpalit sila ng pangalan ng banda bilang “matapang na paglayo sa karaniwan at pagsisimula ng pangmalakasang collective change.” Pinagsama nila ang mga salitang ‘radical’ at ‘redemption’ para maging ‘RadRed.’
Ani JC, “With this name, our band aims to create music that breaks boundaries, evokes strong emotions, and inspires positive transformation.”
Si JC ay kapatid sa ina ni Daniel Padilla, si Karla Estrada, at ama niya si Naldy Padilla ng Orient Pearl kaya talagang hindi naman nakakataka na music ang interest nito kesa sa acting.