Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkatrabaho sina Piolo Pascual at Kyle Echarri para sa pelikulang The Ride. Ayon kay Piolo ay talagang kakaiba ang tema ng bagong proyekto. “We filmed last year and we finished a month or two months ago. It’s an action film. Nakakatuwa, first time namin together,” bungad ni Piolo.
Napahanga umano ang Ultimate Heartthrob kay Kyle dahil sa pagiging magaling na aktor nito. “Dito sa pelikula namin, he’s a big revelation. Of course, he’s known more as a singer but as an actor as you’ve seen in The Iron Heart. And dito sa The Ride iba rin ‘yung ipinakita niya. Iba rin ‘yung character,” paliwanag ng aktor.
Sobrang excited naman si Kyle dahil ngayon lamang nakagawa ng isang pelikula na aksyon ang tema. “Sobra po akong excited first time ko po gumawa ng gano’ng movie. First time kong mag-action talaga so I am excited for people to see. It’s a very different kind of project that I don’t think you’ve even seen Piolo do before,” nakangiting pahayag ni Kyle.
Kahit ngayon lamang nagkatrabaho ay hindi naman daw nakaramdam nang pagkailang ang binata sa tinaguriang Ultimate Leading Man. “He didn’t make me feel any pressure. Noong una siyempre na-pressure ako. Papa P na ‘yon, sobra. Pero ngayon on set sobrang magkaibigan lang talaga. It didn’t feel like work anymore,” pagbabahagi ni Kyle.
Ice, ‘di malimutan ang halik kay Romnick!
Mapapanood na simula sa June 2 ang iWant series na Drag You & Me na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes, JC Alcantara at Christian Bables. Kabilang din sa naturang online series si Ice Seguerra.
Hinding-hindi raw makalilimutan ng singer-actor ang naging kissing niya sa serye. “Well, memorable sa akin ‘yung hinalikan ko si Romnick. Memorable talaga ‘yon sa akin. Kasi hindi ako humahalik sa lalaki eh. Nag-enjoy si direk (JP Habac), parang nakailang take eh,” nakangiting kwento ni Ice.
Gumanap bilang mag-asawa sina Romnick Sarmenta at Ice sa bagong proyekto. “So obviously I played Jam, asawa ni Romnick at tatay ni Betty (karakter ni Andrea), na siya ring nagluwal sa kanya sa mundong ito. Of course, bilang padre de familia, protector of the household ay talagang gagawa ng paraan para maiahon ‘yung pamilya niya sa mga pinagdadaanan nila,” pagdedetalye ng dating child star.
Para kay Ice ay talagang malapit sa kanyang puso ang karakter na kanyang ginampanan sa Drag Me & You. “It feels so good kasi finally nagkaroon ako ng role na tinitingnan ako as a trans man, hindi lesbian, hindi babae. So happy ako, I really want to thank Dreamscape for doing something like this. Bihirang-bihira lang talaga ‘yung masasabi natin na mainstream na platforms na nagbibigay ng puwang at maipakita ang totoong kwento ng community namin, nating lahat. So maraming-maraming salamat po,” pagtatapos ng singer-actor.
(Reports from JCC)