Regine, naalala ang ginawa nila ni Richard sa nasunog na Post Office

Regine Velasquez

Kasama si Regine Velasquez sa mga nalungkot at naging sentimental sa pagkasunog ng Central Post Office sa Lawton noong Lunes.

Ang nasabing historal landmark ang isa sa mga paboritong pag-shootingan ng pelikula noon sa Maynila.

At kabilang dito ang ginawang pelikula ni Regine na Ikaw Lamang Hanggang Ngayon, 2002, with now Cong. Richard Gomez.

“Ano na kaya mangyayari kay Katherine at sa iba pang naging bahagi ng Manila Central Post Office. Naging bahagi ng buhay ko ang Post Office napasok ko at nakakilala rin ng mga kaibigan duon. The Manila Central Post Office was a Historical land mark it’s so sad that this happened,” post ni Regine kasama ang throwback photo habang nakaupo sa bench nito sa harap at ang nasusunog na Central Post Office.

Massive ang naging sunog sa historical post office building.

Kinilala itong historical landmark na itinayo noong 1926. Malubha raw itong nasira noong World War II at itinayong muli noong 1946.

Malulungkot ka actually pag madadaanan mo dahil talagang major ang damage.

Show comments