Noong Linggo ay nagtapos na ang The Voice Kids Season 5 kung saan ay naging grand champion si Shane Bernabe.
Ayon sa host nitong si Robi Domingo ay posibleng sa mga susunod na taon pa muling magkaroon ng bagong season ng programa. “I think it’s safe to say that there would more The Voice’ coming from ABS-CBN Entertainment,” bungad ni Robi.
May bulung-bulungan na posibleng ang binata ang maging host kung sakaling gagawin ng Kapamilya network ang Who Wants To Be A Millionaire? “I need to ask the audience kung anong mangyayari. Or I’ll use another lifeline. 50-50, but let’s see,” matipid na pahayag ng TV host.
Samantala, sa ngayon ay abala na ang binata sa paghahanda para sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib ng kasintahang si Maiqui Pineda. Ayon kay Robi ay lampas sa kalahati na ang kanilang naasikaso para sa kasal nila ng dalaga. “Kasi kapag nagsasalita ako about wedding stuff, at the end of the day napapagalitan ako ng fiancée ko eh. So progress-wise, I think a couple of weeks ago, from 5% we jumped to 55%. So ang daming nagawa, pagod, ang daming inaasikaso. But we’re on the process now of enjoying the whole thing. Kasi the first initial stages, ang hirap pala no’n,” paglalahad ng binata.
Andrea, mahilig sa drag show
Kasama ni Andrea Brillantes sina JC Alcantara at Christian Bables bilang mga pangunahing bida sa Drag You & Me. Mapapanood na simula sa June 2 ang naturang iWant series.
Masayang-masaya si Andrea dahil napabilang sa kakaibang proyekto at aminadong mahilig daw talaga siyang manood ng mga drag show. “Mahilig talaga ako manood ng drag queens and I find them very fascinating. So siyempre na-excite ako. At saka first time ko nakarinig ng ganitong concept na nandito sa Philippines. Alam ko sa ibang bansa meron nang nagko-compete na girls sa mga RuPaul pero ‘yung gagawa ka ng series. It’s the first time ever iWant series about drag queens tapos babaeng bagets,” nakangiting pahayag ni Andrea.
Hindi nagdalawang-isip ang aktres na tanggapin ang proyekto lalo pa’t itinuturing niya itong challenging pagdating sa trabaho. “Ba’t naman ako hihindi eh alam ko namang kaya ko ito. Sana mabigyan ko ng justice para sa drag community. Siyempre tinanggap ko ito bilang artista ang gusto kong roles na nabibigay sa akin is mga kakaiba at challenging,” paliwanag ng dalaga.
Bukod sa Drag You & Me ay magbibida rin si Andrea sa Senior High na malapit nang mapanood ng mga tagahanga.
Itinuturing itong reunion project ng aktres at Kyle Echarri na matatandaang huling nagkatrabaho sa seryeng Huwag Kang Mangamba noong 2021. — Reports from JCC