Jennica, inuuna pa rin ang pagiging ina
Bukod sa pagiging aktres ay abala na rin ngayon si Jennica Garcia sa pagiging host. Malaki ang pasasalamat ni Jennica dahil nabigyan siya ng pagkakataong makasama si Melai Cantiveros bilang host ng Ur Da Boss na napapanood sa Pie Channel. “When I started acting in showbiz, I became very dependent on the character I portrayed to build my confidence, to build the how to’s on how I will present myself. So, I did the same way for hosting. It’s so nice when I hear Melai or Jolens (Magdangal) say they watch on the Pie Channel ‘yung tunay na sila. I want to see that, too,” nakangiting pahayag ni Jennica.
Kabi-kabila man ang ginagawang proyekto ay sinisikap umano ng aktres na matutukan pa rin ang pag-aalaga sa dalawang anak na babae. “The activities that they do in school, the field trips. I make time for them. Also, if my presence is needed. Sometimes I don’t even know what day it is. I am often not aware anymore. I just make sure I have my schedule for the week. It can really get overwhelming. Hindi ko agad tinatanong ang schedule ko sa handler ko,” paglalahad niya.
Si Jennica ay anak nina Jean at Jigo Garcia na kapwa-artista rin noon. Pitong taong nagpahinga si Jennica sa trabaho at ngayon ay muling namayagpag ang showbiz career. Kapag mayroong trabaho ay ang kanyang ama o ina ang nag-aalaga ng dalawang anak. “My papa and his wife, Amy, I leave my kids to them when I have work. At times when my dad couldn’t take care of my kids, my Ninay from Bicol, comes to Manila to take care of my kids. She was the one who helped raise me. Once in a while, when my mom is not busy, she also helps me take care of my kids. When I cannot count on my papa, my Ninay, my mama. I really cannot work because no one will take care of my children. As long as I know my kids are happy, I can also happily do my work. In my dad’s house, five floors ‘yon. My kids happily see their cousins and play with them,” pagbabahagi ng aktres.
Nina, ginawang pribado ang pamilya
Pitong taong gulang na ngayon ang anak ni Nina na si Ysabela. Matagal-tagal ding nagpahinga sa pagkanta ang singer at mas piniling maging pribado na lamang ang tungkol sa kanyang personal na buhay. “Ang dami ring hindi nakakaalam na I’m married. Tapos meron na akong daughter. Kahit hanggang ngayon no’ng nagtu-tour ako sa States at Canada. ‘Ay! Kasal ka na ba? Ay! May anak ka na ba?’” kwento ni Nina.
Ayon pa sa singer ay talagang pinagkasunduan nila ng asawa na hindi rin ibahagi sa social media ang tungkol sa kanilang pamilya. “Kasi para ‘pag lumalabas kami, hindi mayadong pagkaguluhan sila. Or kunwari sila man lang lumabas on their own, kunwari tatawagin ‘yung anak ko, ‘Ysabela’ magugulat siya. ‘Bakit ako kilala?’ Parang magugulat siya kung sino ba talaga kilala niya, or hindi. In-explain ko rin (sa asawa) siyempre nakikita niya na bakit ‘yung ibang celebrities pino-post ‘yung family. Tapos ako in-explain ko sa kanya na parang gusto ko mas private. Para mayroon tayong private mode. Hindi masyadong magulo,” paliwanag ng Soul Siren.
Mula nang magkaroon ng sariling pamilya ay natutunan na ni Nina ang pagluluto. May mga putahe nang nagagawa ang singer ngayon para sa kanyang pamilya. “Bago ako naging mommy, hindi ako marunong magluto talaga. So ngayon magaling na ako magluto ng itlog. Nakakaluto na rin ako ng pasta, tinola. So, achievement na talaga sa akin ‘yon,” nakangiting pahayag ng singer. — Reports from JCC
- Latest