^

Metro

Pasyente ng COVID-19 sa PGH, tumataas din

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pasyente ng COVID-19 sa PGH, tumataas din
In this undated photo shows workers put finishing touches on the retrofitting of two wards in the Philippine General Hospital.
Image courtesy of DM Consunji Inc.

MANILA, Philippines — Inamin ng tagapagsalita ng Philippine Ge­neral Hospital (PGH) na tumataas din ang bilang ng mga pasyente na naa-admit sa kanilang COVID-19 wards kasabay sa pagtaas ng mga kaso sa Metro Manila.

Sa kasalukuyan, sinabi ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario na nasa 60 pas­yente ang naka-admit sa kanilang COVID wards mula sa 10 lang noong nakaraang linggo.

“Totoo po na unti-un­ting tumataas na naman ang bilang ng mga pas­yente naming ina-admit sa PGH na may CO­VID,” saad ni Del Rosario.
Karamihan sa mga pasyenteng na-admit ay iyong may mga comorbidities.  Ilan sa kanila ay aksidente lamang ang pagkakatuklas ng COVID-19 makaraang maisugod sa ospital sa ibang sakit at magpositibo nang isailalim sa COVID-19 screening.

Sinabi pa ni Del Rosario na marami sa mga pasyenteng ito ay bakunado na ngunit hindi naman tumanggap pa ng booster shot.  Mayroon ding ilang na talagang hindi nagpabakuna laban sa virus.
Kung tuluyang tataas pa ang mga kaso, sinabi ni Del Rosario na handa sila na gawin munang COVID beds ang ilan nilang mga ordinaryong hospital beds, maging ang iba nilang mga kuwarto.

Una nang nagsabi ang Private Hospitals Association of the Phi­lippines, Inc. (PHAPI) ng pagtaas ng mga pasyenteng na-aadmit sa mga miyembro nilang ospital. Kasalukuyang nasa 20%-50% na umanong okupado ang ilan nilang pagamutan depende sa dami ng hospital beds na nakalaan sa mga Covid patients.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with