Tinamaan ng matinding depresyon at naisip tapusin ang buhay...’it’s not fulfilling (maging rich)’ – Michael Pacquiao

Michael Pacquiao

Kakalungkot pala ang naging sitwasyon ng anak nina former senator Manny and Jinkee Pacquiao na si Michael.

Grabe ang naranasan nitong depression.

Dumating siya sa puntong gusto na niyang tapusin ang buhay dahil sa bullying.

Pero ang mas malungkot ay hindi niya raw agad ito ipinaalam sa kanyang parents.

Nginingitian lang daw niya ito nung umpisa, pero deep inside parang walang laman o empty siya.

Sa interview ni Julius Babao sa kanyang YouTube channel, sinabi rin nitong hindi rin daw niya alam ang pupuntahan ng kanyang buhay at naisip niyang saktan at tapusin ang sarili pero na-realize niya raw na mali ito.

Kaya naman, hindi nagtagal ay nag-open up siya sa mga magulang at “They comforted me. My dad talked to me. We prayed. I felt nice, I felt better.”

Hanggang nag-workout siya nang nag-workout at nag-concentrate sa training ng boxing para ma-divert ang attention.

Kaya ang payo niya sa mga nagkakaroon ng depresyon “You’re not alone. ‘Yun ang important part. You can talk to someone about what you feel and don’t let feelings determine your choice of action.”

At kahit aniya mayaman sila nakararanas sila ng problema na akala ng lahat ‘pag marami kang pera, masaya na ang buhay at parang perfect. “Funny when people say that. They don’t know talaga. Just because na mayaman kami, wala nang problems ‘cause money doesn’t solve all problems.

“It’s not fulfilling (maging rich) based on my experience now. There was a time I would ask my mom or I would just buy that what you want.

“I thought it would make me happy, make me satisfied, make me fulfilled. But it’s not the case. It’s not permanent.

“Sa aking karanasan, ang pinakamasaya ay ang mga bagay na nagawa ko, tulad ng pag-hang out kasama ang mga kaibigan. ‘Yung mga simple lang, I like food outside,” sabi pa ni Michael na ang balita ay magiging independent na magso-solo na ng tirahan.

Show comments