Pia, pinapasok na rin ang teritoryo ni Heart

Pia Wurtzbach

Creation pala ni Mark Bumgarner ang sinuot nina Pia Wurtzbach and Kylie Verzosa sa Cannes Filmfest.

Yup, after ni Kylie, si Pia naman ang rumampa sa Cannes.

Sa post ni Mark pinasalamatan niya si Pia.

“The stunning Pia Wurtzbach Jauncey @piawurtzbach makes her red carpet debut at the premier of ”Monster” movie at the 76th Cannes Film Festival in this custom @markbumgarner metallic scarlet evening gown. This is one of the looks I custom made for her for Cannes and I’m over the moon that she chose this look on the red carpet last night. Pia looks absolutely phenomenal!

“Another Dream come true for us! Thank you Queen P!” post ng dating BFF ni Heart Evangelista na peg ngayon ng lahat ng celebrity at ito nga at nagpapasukan na sila Pia sa mga nirarampahan niya.

Yassi, nagsalita tungkol sa kapatid at kay James

Parang biglang humupa ang isyu kina James Reid and Issa Pressman. Bakit nga naman gagawan ng intriga kung magkarelasyon sila.

Grabe nga ang bashing sa kanila. As if bawal silang magkaroon ng relasyon.

Kaya kahit si Yassi Pressman, nakikiusap na ‘wag namang basta-basta mag-post ng mga kanegahan tungkol sa kanyang kapatid. “I think it’s always important that we always choose our words and we are always kind online because hindi mo alam ang epekto nun sa isang tao after few years,” komento niya sa isang interview.

Pero aminado rin naman siyang hindi sa lahat ng oras ay nagkakasundo sila ng kapatid na aniya ay normal din lang naman.

Show comments