^

PSN Showbiz

Zsa Zsa, ‘di nakapag-inarte sa Cattleya

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Zsa Zsa, ‘di nakapag-inarte sa Cattleya
Zsa Zsa Padilla

Mapapanood na sa Prime Video ang Cattleya Killer na pinagbibidahan ni Arjo Atayde simula ngayong June 1. Kabilang din sa naturang 6-part exclusive series si Zsa Zsa Padilla na gumaganap bilang si Aurora Melendrez na isang Psychologist. Ayon sa Divine Diva ay talagang naging maayos ang taping ng kanilang buong grupo kahit na kasagsagan ng COVID-19 pandemic nang gawin nila ang proyekto. “Wala kami masyadong difficulty na na-encounter. Nag-stick sila do’n sa 12-hour work kaya gustung-gusto ko. Kahit siyempre horror-suspense, suspense-action, magsa-start kami ng 5 p.m., tapos 5 a.m. matatapos. Talagang sasabihin nila sa ‘yo na, ‘Ms. Z, pack up na kayo ng 3 a.m. hindi ka aabot (ng 5 a.m.)’ Gustung-gusto ko ‘yung gano’n kasi nako-condition mo ‘yung mind mo. So wala kang chance na mag-inarte ka sa isip or whatever. It was very professional. Lahat ng pagkain na ire-request mo, nando’n,” kwento ni Zsa Zsa.

Hango ang bagong online series sa pelikulang Sa Aking Mga Kamay na pinagbidahan ni Aga Muhlach noong 1996.

Bukod kina Zsa Zsa at Arjo ay kabilang din sa bagong online series sina Christopher de Leon, Jake Cuenca, Jane Oineza, Ria Atayde, Nonie Buencamino at Ricky Davao. “Si Christopher I’ve worked with him many times in the past. Actually, ang galing-galing niya dito. Of course, I also watched the film before, reading my script. Para lalong maintindihan ko kasi parang ano ba ‘yung susunod. Sino ba ‘yung mga anak niya? Ano ba sila dati? Kasi very complex ‘yung characters ng mga anak niya. Sobrang loaded. I already met ‘yung character ni Jake who was never in therapy with me. But si Arjo later on, mari-reveal kung bakit, why he sees me. Ano bang traumas meron siya? Ano ba ‘yung kailangan niya i-therapy? Mas nag-iba lang ‘yung timpla kasi naging personal pa. But I’m the type of character na in-explain sa akin of course ng production at ni direk na present ako sa pamilya nila,” pagdedetalye ng singer-actress.

Sobrang napahanga umano si Zsa Zsa sa lahat ng kanyang nakatrabaho sa Cattleya Killer. “I think sa ASAP I’ve worked with Jake before pero si Arjo first time, pero ang husay talaga. Kasi dumadating lahat naman sa set na alam nila ‘yung character nila. Alam nila ‘yung trabaho nila. Alam nila ‘yung linya nila at ‘yung character nila. So it’s just amazing to see everything evolve. So wala akong naging problema with everyone and of course I’d like to work with everybody again,” pagtatapos ng Divine Diva.

Yassi, nami-miss ang Probinsyano

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gusto raw muling makatrabaho ni Yassi Pressman ang mga kasamahang artista noon sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Matatandaang ilang taon ding naging bahagi ang aktres bilang si Alyana sa nagwakas na serye. Ngayon ay napapanood umano ng aktres sa FPJ’s Batang Quiapo ang mga dating nakatrabaho. “That’s my family at sobrang tagal na po naming nagsama. ‘Yung parang araw-araw na magkasama kayong lahat ay nakaka-miss din siyempre,” nakangiting pahayag ni Yassi.

Masayang-masaya ang aktres dahil napapanood ang mga dating katrabaho na magkakasama pa rin sa bagong serye. “I’m super happy, nanood ako ng pilot nila, nagsu-shooting ako ng Kurdapya tapos no’ng dinner break namin, pinanood ko. Sabi ko, ‘Ang huhusay pa rin talaga ng mga ito.’ Ang galing-galing po talaga nila,” dagdag pa ng dalaga. Reports from JCC

ZSA ZSA PADILLA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with