Ang cute ng teaser ng bagong sitcom ni Bong Revilla sa GMA 7. Talagang may chemistry sila ni Beauty Gonzalez na talagang sanay rin sa comedy.
Marami na ang naghihintay at kahit nga si Bong excited dahil feel niya talaga ang chemistry nila sa taping.
Palagay ko magiging rater ang sitcom na ito lalo ngayon na dito mo lang mapapanood si Bong. Pero kung makikita niya na magiging active ang moviehouses at marami ang sumali sa December filmfest baka gumawa pa rin siya ng festival entry.
Mahusay sa time management si Bong kaya kahit binibigyan niya ng panahon ang showbiz career niya, nagagawa pa rin niya ang trabaho niya bilang senador.
Enjoy nga siya na ngayon meron siyang direct contact sa tao dahil sa social media. At enjoy siya sa interaction sa mga ito kaya kadalasan out of town siya para maka-reach out. Kung magagawa talaga, gusto niyang maging best of both world dahil pareho niyang mahal ang dalawang career.
Sa ngayon, natutuwa siya na pati ang mga anak merong public service tulad nina Bryan at Jolo Revilla. Pati nga ang anak na si Ram talagang buhay na buhay sa pagtulong sa mga taga-Cavite.
Bongga, tira na tayo sa Cavite, pero Quezon City pa rin ang base namin dahil love namin si Mayor Joy Belmonte. At migrate rin tayo sa Pandi kay Mayor Enrico Roque.