Miss Cebu sa Binibini, umingay sa national costume ni Sto. Niño

Joy Dacoron

Lumikha ng ingay sa Binibining Pilipinas 2023 ang suot na national costume ng volleyball player na kandidata ng Cebu na si Joy Dacoron.

Nag-react ang karamihang devotees ng Sto. Niño dahil ang isinuot nitong national costume ay ang suot ng Sto. Niño.

Ang sabi ni Joy, kaya ito ang pinili niyang costume, “My costume symbolizes unwavering faith and pays tribute to our province’s patron. The Senor Sto. Niño de Cebu is a source of inspiration and strength of numerous Catholic faith.”

Nagpa-picture pa ito sa labas ng Basilica Minore del Santo Niño sa Cebu.

Nag-react ang Cebu Archdiocese Auxiliary Bishop Ruben Labajo dahil wala raw siyang ideya na ganun ang isusuot sa pictorial sa labas ng simbahan.

Abangan natin kung ito pa rin ang isusuot ni Joy sa preliminary pageant hanggang sa coronation night.

Pero ang isa pang aabangan ay kung sino ang masuwerteng mapipiling Ms. Beautederm.

First time na maging bahagi ang Beautederm sa Binibining Pilipinas, na kung saan ito ang official skincare partner ng naturang beauty competition.

Sabi nga ng CEO and President ng Beautederm na si Ms. Rhea Anicoche-Tan, “Binibining Pilipinas organization has been helping women for so many years. This year, I want to be a part of the movement by offering tips for success. These young women may find inspiration and learnings from what I went through in my business journey. I am willing to share what I can and impart guidance.”

Ruru, abala sa motor training

Puspusan na ang training ni Ruru Madrid sa pagmu-motor.

Paghahanda na ito sa susunod niyang gagawin sa GMA Public Affairs, ang Black Rider.

Tinanong namin kay Ruru ang tungkol sa project na ito, medyo naaalangan pa siyang sumagot dahil meron talagang official announcement kaugnay rito.

Pero nabanggit na rin naman sa mediacon ni Matteo Guidicelli.

Kaya nung nakatsikahan namin si Ruru sa nakaraang contract-signing niya sa Goldshine Pharmaceuticals, Inc. na kung saan ay siya ang naging brand ambassador ng Jimm’s 3 in 1 Coffee, nagpasalamat lang na lang siya na makakatrabaho niya si Matteo.

“Actually, nagulat po ako na nagsabi na po si Mr. Matteo Guidicelli regarding po the project.

“Sinabi na po sa akin na makakasama ko siya sa isang proyekto.

“It’s an honor po for me, dahil siyempre, napapanood ko siya, simula nung nasa iba pa po siyang network. Ngayon na nasa Kapuso network na siya, very excited to work with him,” pahayag ni Ruru.

Malaking challenge ito kay Ruru dahil panibagong action na naman itong gagawin niya at ibang-iba sa Lolong.

“Grabe po ‘yung pressure na nararamdaman ko sa bawat proyekto na ipinagkakatiwa nila.

“Pero sabi ko nga, kung aksyon talaga, nangi­ngibabaw ‘yung excitement ko e, kesa dun sa pressure, sa kaba. Kasi, ito ‘yung pangarap ko,” sabi pa ni Ruru.

Next month ay sisimulan na nila ang taping ng Black Rider, na ang target airing nito ay sa October ng taong ito.

Pagkatapos nito ay panibagong training na naman ang haharapin niya para naman sa part two ng Lolong.

Family… ni Dingdong, magkakaroon ng season break

Malapit na ang finals ng The Clash, at parang nakikita ko na kung sino ang posibleng maging grand winner.

Sana mas mapapansin na ngayon ang kung sino man ang magwawagi sa ngayong season ng The Clash.

Ang isa pang aabangan pagkatapos ng The Clash ay ang The Voice Generation na ang dinig namin si Dingdong Dantes ang maghu-host. Kaya siguro magkakaroon muna ng season break ang Family Feud.

Hindi pa naman ito kumpirmado, pero ang narinig naming uupong judges sa The Voice Generation ay isang miyembro ng SB19, si Billy Crawford, Julie Anne San Jose at si Chito Miranda.

Bukod sa The Voice Generation, meron pang Battle of the Judges.

Ang narinig naman naming magdya-judge dito ay sina Boy Abunda, Bea Alonzo, Jose Manalo at si Atty. Annette Gozon-Valdes.

Show comments