Starlet, naging cause of delay dahil sa manager na swappang sa raket!

Tahimik na lang ang buong production staff at ayaw na lang nilang magsalita. Pero halatang irita na sila sa kanilang bidang aktres sa isang soap na ginagawa nila ngayon.

Sa totoo lang, nadamay na lang itong si aktres, pero sa manager niya talaga sila naiirita dahil wala raw itong ginawa kundi magpaalam na hindi pupuwede sa ganitong araw dahil may ibang commitments.

Panay daw ang tanggap ng raket nitong si manager para sa alagang aktres.

Personal appearance sa probinsya, ribbon  cutting sa ganitong okasyon at kung anik-anik, na ang naaapektuhan ay ang regular taping schedule niya.

Maaga pa naman daw ay nagpapaalam na sila, pero bakit daw tanggap nang tanggap na alam naman nito kung ano ang regular schedule ng taping.

Kaya natatagalan na ang schedule ng airing dahil sa kamu-move ng taping.

Mabuti raw sana kung talagang magaling itong si aktres, e madalas na siya rin ang cause of delay kaya tumatagal sila sa taping.

Iniintindi na lang nila dahil baguhan pa lang siya at hindi pa sanay sa pag-anggulo ng sarili sa harap ng kamera.

Nahihirapan pa raw siyang mag-adjust sa camera angles at blocking, kaya paulit-ulit daw sila ng take.

Ang tingin ng ibang co-actors ay nahihirapan itong magmemorya ng lines, pero nawawala lang siya sa eksena kapag babaguhin na ang anggulo at ang blocking.

Sana sundin na lang daw ang napagkasunduang schedule ng taping at huwag singitan ng raket.

Hanggang ngayon ay wala pa silang definite na schedule ng airing dahil hindi pa sila tapos na tapos at marami pang kailangang kunan.

Kaya iritable na ang ibang production staff dahil hindi na sila nakakalipat sa bagong project.

Ang tanging hangad na lang daw nila ngayon ay matapos na itong ginagawa nilang soap sa magandang aktres na ito.

Mga baguhang actor handing isuko ang dual citizenship!

Sobrang na in love sa Pilipinas ang dalawang foreign actors na sina Nico Locco at Luke Selby ng Viva.

Bida ang dalawang aktor sa bagong pelikulang Sandwich na mag-streaming na sa Vivamax sa Biyernes.

Sa nakaraang interview namin sa dalawang aktor sa DZRH nung Martes, tinanong namin sila kung talagang gusto nila rito sa Pilipinas, willing ba silang i-give up ang kanilang citizenship para maging Pinoy?

Dual citizenship si Nico, at medyo mahirapan siya kung sakaling gusto na niyang tuluyang maging Pinoy.

Aniya, “Dual citizenship ako e. I have an Italian passport and a Canadian passport.

“I tried dati, but sadly, kailangan ko i-forfeit ‘yung ano… ‘yung Italian and Canadian passport, to get a Filipino passport.

“So, hindi puwede tatlo e. Kaya, I didn’t go through with that.

“I mean of course, may mga benefits if I marry a Filipina right? I can get my 13A visa. It’s get a lot easier for me to do those kind of things. Kasi work permit now dito sa Pinas which is a little bit of hassle attaining that document.‘

Gusto naman ni Nico ang mga Pinay at sa katunayan, mukhang seryoso na siya sa sexy actress na si Cristine Bermas.

Pumunta na sila sa bayan ni Cristine, at ipinakilala na si Nico sa magulang ng sexy actress.                                                                 “She’s (Cristine) really a fantastic woman. Sobrang mabait siya, mahal ko siya, and matagal kami, fingers-crossed. Plano ko mag-stay dito sa Pinas for sure. I mean, I do have dreams to work internationally, I always have.

“I was able to host in Miss Universe in Thailand, do projects in South Korea you know, host in Singapore, Malaysia. These are things I would love doing, pero Philippines will always be my home,” bonggang pahayag ni Nico.

Ang British model/actor na si Luke Selby naman ay nag-i-enjoy na sa pag-aartista sa Viva.

Mahigit tatlong taon na pala siya rito sa Pilipinas at sobrang nagustuhan niya rito.

Kung siya ang masusunod, willing daw siyang ipagpalit ang British passport niya sa Philippine passport.

“I have genuinely thought about it,” pakli ni Luke.

Sa rami ng mga bansang napuntahan niya, mas gusto raw niya talaga rito sa Pilipinas.

Show comments