^

PSN Showbiz

120k, nakilahok sa Summer Blast na ala-Coachella

Pilipino Star Ngayon
120k, nakilahok sa Summer Blast na ala-Coachella
Summer Blast

Kung ang Chicago ay may Lollapalooza at ang California ay may Coachella, ang Pilipinas pala ay may Summer Blast!

Mahigit 120,000 katao ang nagtungo sa Philippine Arena Complex, Ciudad De Victoria, Bocaue, Bulacan nitong Mayo 13 para makilahok sa Summer Blast. Batay sa mga ulat, walang naging aberya sa trapiko dahil sa bagong sistema ng traffic flow management na ipinatupad.

Nakisaya at nakikanta naman ang music fans sa performances ng mga bigating artists tulad ng Sponge Cola, Silent Sanctuary, Rocksteddy, at si Gloc-9.

Dinumog daw talaga ang Philippine Sports Stadium na halos ‘di mahulugang-karayom sa rami ng nanood.

Hindi lang ang mga manonood ang natuwa sa concert. Mismong ang mga artist, nagpahayag rin ng kanilang naging experience.

“Masyadong Masaya! Maraming salamat sa pagmamahal Hanggang sa muli!” sambit ni Gloc-9.

Hindi rin nagpahuli ang Silent Sanctuary na nag-post sa kanilang official page ng “It really was a blast!”

Nagtanghal din ang Soapdish, Bandang Lapis, Sunkissed Lola, Dilaw, Jumanji, Calista, Lunar Lights, Eclipse, Goodwill, at si Noah Alejandre.

Lumutang ang galing at charisma ng bandang Dilaw na sumikat sa kanilang kantang Uhaw. Sakto sa tag-init ang kanta at ayon sa banda, na-excite sila sa rami ng nanood.

“We’re super excited, a bit nervous, it’s our first time playing in a venue like this. The idea of playing in a venue like this is very exciting,” pahayag ng banda sa isang interview na hot item ang kanilang Uhaw na kanta.

Marami rin ang nabilib at napahanga sa bandang Sunkissed Lola. Ito umano ang unang beses na nakatugtog sila sa napakalaking crowd.

“[It’s] our first time performing sa ganito kala­king crowd. Sobrang overwhelming. Ang solid, ito ‘yung pinakamagandang setup ng stage,” sambit ng bandang Sunkissed Lola pagkatapos ng kanilang set.

“It was a surreal experience. Lined-up with legends and icons in the entertainment industry,” pahayag naman ng Eclipse.

Natapos ang concert sa isang nakamamanghang fireworks display na labis na ikinatuwa ng mga manonood.

Nasilayan naman ng fans ang NET25 artists gaya ng cast ng Quizon CT na sina Eric Quizon, Epy Quizon, Boy 2 Quizon, Vandolph Quizon, Bearwin Meily, Gene Padilla, Gary Lim, Martin Escudero, Yow Andrada, Charuth, Billie Hakensonn, Tanya, Donna Cariaga at Isabelle De Los Santos. Present rin ang cast ng GoodWill na sina Raymond Bagatsing, Devon Seron, David Chua, Smokey Manaloto, Ryan Rems, James Caraan, at Kat Galang, ang mamamahayag na si Alex Santos, TV host Love Anover, Atty. Sal Panelo, mga actress na sina Meg Imperial at Regine Angeles. Sina Alexa Miro, Jiro Custodio at Ai Dela Cruz ang nag-host sa concert. Inaliw naman nina Anthony Ocampo at Tonipet Gaba ang crowd sa pre-show ng concert.

Bago pa ang concert, nakapaglibot ang mga manonood sa iba’t ibang atraksyon na matatagpuan sa Philippine Arena complex tulad ng The Garden, Butterfly Garden, Airsoft Grounds, Museum of Death at House of Mirrors.

Nag-enjoy rin ang marami sa Inflatables, Trade Show, Game Booths, Water Fun at Car Show. Sinubukan naman ng mga magkakapamilya at magkakaibigan ang amusement rides na nagbigay ng thrill at excitement. Pinilahan naman ang Bazaar at Food Park na naroon din sa paligid ng venue.

Sosyal, sana nga maging regular event ito para magkaroon naman ng excitement sa local artists.

Mga Korean artist ang nakakapuno lately sa Arena pero for a change, napuno ito ng mga local artist.

SHOWBIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with