^

PSN Showbiz

Sunshine, wala pang paramdam sa patung-patong na kaso ng estafa

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Sunshine, wala pang paramdam sa patung-patong na kaso ng estafa
Sunshine Dizon

Wala pa ring paramdam si Sunshine Dizon sa kinasasangkutan niyang estafa cases sa Camarines Norte.

Maging ang ex husband daw nitong si Timothy Tan ay ayaw magkomento tungkol sa kinakaharap na kaso ng dating misis.

May sapat na ebidensiya ang isinampang kaso laban kay Margaret Tan aka Sunshine Dizon at kasama niyang si Jonathan Tubic-Dy sa Regional Trial Court of Daet, Camarines Norte ayon sa inilabas na resolution ng Provincial Prosecution Service, Daet, Camarines Norte na isinampa ng nagngangalang sina Benedicto Cosa Padua at Rogelio Cruz Fonacier ng Jose Panganiban, Camarines Norte.

Base sa pinadala sa aming resolution, nag-invest diumano  ang mga nagreklamo ng P10 million dahil sa pangakong kikita sila sa online sabong at nag-umpisa ang kanilang usapan noong February 2022.

“WHEREFORE, let an Information for Estafa under paragraph 2 (a) of Art. 315 of the Revised Penal Code as amended by R.A. 10951 be filed against JONATHAN RUBIC DY and MARGARET TAN aka SUNSHINE DIZON before the Regional Trial Court of Daet, Camarines Norte. The bail recommended for their provisional liberty is Php66,000.00 each,” bahagi ng resolution.

ACTRESS

SUNSHINE DIZON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with