Hanggang kahapon ay trending pa rin sa Twitter ang hashtag #MissUniverse2023, pagkatapos ng grand coronation nito na ginanap sa SM MOA Arena nung Sabado ng gabi, May 13.
Ang daming hanash tungkol sa pagkahirang kay Michelle Marquez Dee bilang Miss Universe 2023.
Base sa audience na masigasig sa pagtili at pag-cheer sa kanilang paborito, kandidata nila si Pauline Amelinckx ng Bohol.
Nung unang pagsali ni Pauline ay isa siya sa pinakapaborito, pero hanggang sa pangatlong attempt niya ay naging mailap sa kanya ang korona ng Miss Universe PH.
Si Pauline ang hinirang na Miss Supranational Philippines, at si Krishnah Gravidez ng Baguio naman ang Miss Charm Philippines 2023.
Hindi lang maganda ang announcement na ginawa nila dahil ang Miss Universe lang ang kinoronahan at sinabi ng host na si Xian Lim na kokoronahan sila sa ibang selebrasyon.
Ang dinig naming kuwento, ayaw raw ng Miss Universe owner na si Anne Jakrajutatip na i-announce ang ibang titulo sa pagpili ng Miss Universe Philippines.
Pagkatapos ng coronation, napuno ng hiyawan ng mga tao ang buong SM MOA lobby.
Isinisigaw nila ang “Bohol Bohol!”
Pero karamihan sa mga nagsisigaw na ‘yun ay nakigulo rin nang nakita nila si Melanie Marquez sa lobby.
Pinagkaguluhan ng mga tao, reporters at bloggers si Melanie para hingan ng pahayag sa pagkapanalo ng kanyang anak.
Tipid lang at nakangiting nagpahayag si Melanie na nagpapasalamat sa Diyos at masaya raw siya na finally makikipag-compete si Michelle sa Miss Universe dala ang bandera ng Pilipinas.
Ang naibigay lang daw niyang payo kay Michelle ay “sabi ko, be yourself and always claim the crown on top of your head. Claim it. Mapanalo niya dapat.”
Hanggang kahapon ay may mga nagti-tweet na luto raw ang pagkapanalo ni Michelle. “Cooking show” raw ‘yun dahil sa umupong judge ang GMA Worldwide Inc. President Atty. Annette Gozon-Valdes at si Cong. Sam Verzosa ng Tutok To Win Partylist.
Si Cong. Sam ang boyfriend ni Rhian Ramos na bestfriend ni Michelle.
Nag-aartista na rin si Michelle na mina-manage ng Sparkle ng GMA Artist Center. Kaya tingin nila mas pinaboran ito ni Atty. Annette.
Pero agree ako sa ibang nagti-tweet na itong nangyari kay Michelle ay kagaya rin kay Beatrice Luigi Gomez na hindi paborito ng crowd at netizens, pero maganda ang performance sa Miss Universe na umabot pa siya sa final 5.
Hindi naman maitatangging angat na angat naman si Michelle sa ibang kandidata, kahit na sa pinakapaborito nilang si Pauline Amelinckx ng Bohol.
Malaking challenge ito ngayon kay Michelle na dapat paghandaan niya nang mabuti ang pagsali niya sa 72nd Miss Universe na gaganapin sa El Salvador.
Sa ABS-CBN YouTube namin pinanood ang Miss Universe Philippines, at sa commercial gaps nito, lagi nilang pinapalabas ang trailer ng Unbreak My Heart na magsisimula na sa GMA Telebabad sa May 29.
Nakakatuwang tingnan ang collaboration na ito ng dalawang higanteng network.
Kahit nga ang Kapamilya stars na sina Jodi Sta. Maria at Joshua Garcia ay hindi makapaniwala sa magandang collaboration na ito.
Mas lalo silang kinikilabutan nang tumuntong na sila ng GMA 7 para mag-promote roon.
Kuwento nga sa amin ni Joshua sa nakaraang premiere night ng pelikula niyang Mga Kaibigan ni Mama Susan ng Regal Entertainment, nakapag-tape na raw siya sa ibang programa ng GMA 7 para sa promo ng kanilang serye
Nagpapasalamat daw siya sa mainit na pagtanggap sa kanila ni Jodi ng mga taga-Kapuso.
“Ibang experience siya na natutuwa kami ni Jodi. Warm ‘yung welcome nila sa amin. Talagang ang babait ng mga tao doon.
“Nahihiya kami siyempre. Nandun lang kami nakatayo lang kami sa isang sulok. And then, masaya kami na na-experience namin ang All-Out Sundays. And I think magkakaroon pa kami ng maraming guestings,” pahayag ni Joshua.
Hindi raw niya makalimutan ang pag-istima sa kanila ni Gabbi Garcia. “Tinour ako ni Gabbi. Nandun lang kami sa isang office na medyo pinagbawalan doon.”