Proud parents sina Cesar Montano and Sunshine Cruz.
Sabay silang nag-flex ng graduation photos nila ng anak na si Samantha sa La Salle ng Senior High.
May nakuha rin itong medalya.
“Congrats Samantha Angelene! Proud parents. Love you!!! #DeLaSalleUniversity #graduates #proudparents” sabi ni Cesar and Sunshine.
Nag-i love you naman agad si Samantha sa kanyang ama.
Last year lang nagkaayos ang dating mag-asawa na nag-umpisa nang mag-celebrate ng 60th birthday ang actor.
Aside from Cesar and Sunshine, proud parent din si Cong. Jolo Revilla.
Graduate na rin sa senior high ang anak niyang si Gab.
“This is the beginning of a wonderful future for you, brace yourself for the adventure and excitement that awaits you. We love you and we are very proud of you. Congratulations Gab!,” post ni Jolo kasama ang kanyang wife na si Angelica Alita na tumatayong ina na ni Gab.
Si Gab ay anak ni Jolo sa anak ni Rosanna Roces na si Grace Adriano.
Around 16 to 17 years old lang nang maging ama si Jolo kaya lagi siyang sinasabi na strict siyang ama dahil ayaw niyang maging batang lolo.
“Siyempre, kapag na-expose kaagad siya sa pornography and everything baka maging batang lolo naman ako, ‘di ba,” in a nutshell na sabi niya sa isang interview.