Kaya zero ang lovelife... Joshua, ‘di magaling sa time management  

Joshua

Kamakailan ay napabalitang may espesyal nang namamagitan kina Joshua Garcia at Bella Racelis.

Ayon naman sa aktor ay wala siyang karelasyon sa kasalukuyan dahil trabaho ang kanyang pinagtutuunan ng panahon. “Mas single and contented ako. Kasi hindi ako magaling mag-manage ng time ko and alam ko baka masayang lang ang oras niya sa akin. Iba pa kasi priority ko ngayon, parang may sariling anak. Focus muna sa goal. Iba lang priority ko which is my family and work. Sa rami ng work, ‘di ako magaling maghati ng time ko, baka mawalan ako ng oras, kawawa naman,” makahulugang pahayag ni Joshua.

Para sa aktor ay bukas siya sa posibilidad na makipagrelasyong muli. Naniniwala si Joshua na makikilala ang babaeng kanyang mamahalin nang lubos sa takdang panahon. “Kung meron darating ‘di mo rin masabi. Kasi baka nagsasalita nang tapos… kung may darating, why not? Kasi minsan baka mas okay na magkaibigan lang kayo kahit na gusto ko siya maging girlfriend. ‘Ang ganda niya,’ may gano’n. Tapos in love ako sa kanya, baka mas okay na lang na magkaibigan kayo,” giit ng binata.

Samantala, si Joshua ang tumatayong breadwinner sa kanilang pamilya. Sa edad na 25 taong gulang ay marami nang natutunan sa buhay ang binata dahil na rin sa kanyang mga karanasan. “After pandemic ang dami kong realizations. Ang dami ko binitawan, motor, sports car, kasi ‘di kailangan right now. Being the breadwinner, dadag­dag lang sa gastos ko. ‘Pag nagtayo ako ng sariling bahay, dalawang bahay sagot ko. Kaya wala pa siya (ang bumukod ng bahay) sa priority ko ngayon,” pagtatapos ng aktor.

Boyet nasaid, naging sakit ng ulo noon

Naging sakit ng ulo para sa mga katrabaho si Christopher de Leon noon. Nangyari umano ito noong kasagsagan ng showbiz career ng aktor. “Nobody wanted to get me because I was a pain in the neck. Kasi there was a time, ‘yung producer ko na ang nanggigising sa akin sa room ko. ‘Wake up, may trabaho tayo!’ So I became a headache,” pagtatapat ni Christopher.

Nawala raw ang halos lahat na mayroon ang beteranong aktor dahil sa kanyang kapaba­yaan sa sarili at trabaho noon. “I lost everything, nasangl­a na ‘yung bahay, nabangga na ‘yung mga kotse ko. I had zero ba­lance in the bank. Umabot na ako doon,” dagdag pa niya.

Malaking bahagi ang pamilya ni Boyet upang maging maayos muli ang buhay ng aktor. “Mga anak ko, aside from a lot of things. Kailangan mo mag-survive eh, you have a family. Mare-realize mo that you are fortunate to have all of this and you’re just throwing it away. Hindi pwede, hindi tama,” paglalahad ng beteranong aktor. (Reports from JCC)

Show comments