Simple ang celebration ni Judy Ann Santos sa kanyang ika-45th birthday.
Sabi nito, “A simple, quiet, full of love filled day to celebrate my birthday yesterday is just what i wanted.... lunch date with dada, got pampered with champagne and chocolates in the most dreamy place any girl would’ve wanted (thank you my love @ryan_agoncillo plus million pogi points!!!) met up with the kids for dinner... then greeted with so much flower arrangements when we got home. Thank you so much to everyone who remembered, my heart is so full and grateful to each and everyone of you. Thank you Lord for another year, thank you for blessing me with a great Husband, wonderful children, and awesome friends. Cheers to 45.”
Ang simple and short naman ng caption ni Ryan sa post niya ng photo ni Judy Ann at sabi lang, “hey little thing, let me light your candle.”
Anyway, ginagawa ni Judy Ann ang series na ilalabas sa HBO sa direction ni Erik Matti. ‘Yung movie naman nila ni Sam Milby, sa December pa raw ang shooting sa abroad dahil nagkaroon ng problema sa visa ni Judy Ann.
Kasal nina maine at Arjo, sa July 28 na!
Tama ba ang naiisip ng ibang fans nina Cong. Arjo Atayde at Maine Mendoza na sa July 28, 2023 ang kanilang kasal?
Sabi kasi, sa July ang kasal ng dalawa, pero hindi sinasabi ang exact date at kaya naisip ng fans ang July 28 dahil sa nasabing petsa last year sila na-engage.
Anyway, tatlong anak pala ang gusto ni Arjo, sinabi niya ito sa guesting nila ni Ria Atayde at mom nilang si Sylvia Sanchez sa Magandang Buhay.
Paano ‘yun, maraming apo ang gusto ni Sylvia, eh, tatlo lang ang gusto nito. Si Maine kaya, ilang anak naman ang gusto?
Still on the engaged couple, spotted sila sa isang mall (hindi binanggit ang mall) na nagsa-shopping na paniwala ng fans, regalo nila sa respective moms nila at ang kani-kanyang biyenan para sa Mother’s Day bukas.
Sa ladies’ wear kasi sila pumunta at sa puwesto pa ng display ng Natori.
Matteo, napaaga ang trabaho!
Ang ganda ng message ni Matteo Guidicelli patungkol sa concert ng wifey niyang si Sarah Geronimo kagabi. Pinost din ni Matteo ang photo ni Sarah at binanggit na hindi lang basta concert ang nangyari kagabi. “This isn’t just a concert - it’s a testament to the power of passion, dedication, hard work and the enduring magic of music and dance! An unforgettable evening!”
Sa mediacon ni Matteo sa pagiging Kapuso niya, panay ang tanong nito sa press kung manonood ba, kaya lang, wala yatang complimentary ticket na ipinamigay ang Viva Live, kaya “sana may tiket” ang sagot ng press kay Matteo.
Anyway, hindi pala sa Monday, May 15, magsisimula ang journey ni Matteo bilang Kapuso dahil Sunday pa lang, May 14, simula na siya sa pagiging Kapuso dahil may interview sa kanya si Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho.
Nabanggit din nito na excited na siya to be working with Ruru Madrid sa Black Rider. Ipinarating din namin sa taga-GMA Public Affairs ang comment ng ilang fans na sunud-sunod ang projects ni Ruru sa kanila. Ang sagot sa amin, “may pahinga naman,” hahaha!