John, may kampanya sa talamak na online piracy
May panawagan si John Arcilla na suportahan ang laban sa online piracy.
Sa kanyang post ay sinabi ng aktor na “Suportahan natin ang House Bill No. 7600 para maproteksyunan ang Philippine creative and entertainment industry! Dahil ang laban sa online piracy ay hindi lamang laban ng isang industriya, kundi laban nating lahat. #PlayItRight.”
Mas talamak na nga ngayon ang online piracy.
Kung noon, mga hard copy ang nabibiling pirated copies, sa digital era kumbaga, ido-download mo na lang.
Ito ay isang panukalang batas na naglalayong amyendahan ang intellectual property code na itinutulak sa Kongreso sa pagsisikap na labanan nga ang online piracy.
Mga bagong programa ng more, mapapakinggan sa audio livestreaming app
Tuluy-tuloy ang MOR Entertainment (MORe) sa paghahatid ng saya at inspirasyon sa iba’t ibang panig ng mundo sa paghahatid nito ng mga programa sa bagong all-in-one app ng ABS-CBN na ALTO.
Tuwing Sabado, eksklusibong napapakinggan sa ALTO ang tatlong bagong programa ng MORe: ang Dyis Is It: The MOR Weekly Top 10 ni Jacky G (11 a.m.), MOR Presents ni David Bang (12nn) tampok ang mga paboritong artists at patok nilang awitin, at MOR Rewind (3 p.m.) na nagbibida ng classic hits kasama si DJ Popoy.
Nagpapatuloy rin sa ALTO ang pagbabalik-tanaw sa masasayang alaala ng mga nagdaang dekada sa MOR Rewind kasama naman si Chinapaps tuwing Linggo (3 p.m.).
Isang audio livestreaming app ang ALTO na binuo ng ABS-CBN kung saan pwedeng mapakinggan nang live ang iba’t ibang programa patungkol sa balita, impormasyon at musika. Bukod sa mga kwelang MORe program, napapakinggan na rito ang mga programa ng Teleradyo, MYX Radio, at MYX P-Pop Radio.
Maaari ring pakinggan dito ang iba’t ibang ABS-CBN podcasts kasama na ang patok na patok sa mga tagapakinig na Dear MOR: The Podcast. May access din ang ALTO users sa news articles at featured videos ng ABS-CBN News, ABS-CBN Entertainment, Push, Metro.Style, at iba pa.
Tutukan ang MORe programs at iba pang handog ng ABS-CBN sa ALTO app na pwedeng i-download nang libre mula sa Google Play at App Store.
- Latest