Bola, Bikini at BL

Basketball talaga ang hilig ni Dick Jordan. (shoot mo na, bro!) Kaya varsity player s’ya nung high school at college. Gusto sana n’yang maging propesyunal na basketbolista pero napunta s’ya sa pagiging bikini model. (may bikining itim?!)

“Nag-partime job ako sa isang fast food chain. Tapos dun ako na-discover. Pinasali ako sa mga bikini pageant. Sinubukan ko. Ok naman.” Pag-alala ni Dick. (pa-order nga ng hotdog, bro!)

Naging mapangahas rin s’ya bilang bikini model. “Dati nga may sinuot pa ako na see thru na bikini. Nakita ko kasi ‘yung ibang mga kasama ko, nagsusuot ng ganun. Tapos tuwang tuwa ‘yung mga tao. Sabi ko sige gawin ko rin, pandagdag entertainment.” (so sana no bikini na lang!)

Sumalang din s’ya sa ilang male pageants tulad ng Ginoong Pilipinas. Dito na mas lumawak ang kanyang network.  Napasali s’ya sa grupong The Hot Men.  (nakakapaso ka, bro!)

“Sing and Dance kami noon. Tapos ‘pag last set na, wala na kami suot, bikini na lang. Parang magic mike. “ Paglalahad ni Dick. (ilabas na ang mic!)

Sa dami ng exposure n’ya noon, isang direktor daw ang lumapit sa kanya para gawin s’yang bida sa isang indie film. Hindi s’ya nagdalawang-isip na pumayag. Pero mukhang iba ang gusto ni direk sa kanya.  (may balak?!)

“Nag-meeting kami kasama ng ibang artista. Tapos nung pag-uwi n’ya. Gusto n’ya sumama ako sa bahay n’ya. Sabi n’ya, ibo-body scrub daw n’ya ako. ‘Di ako pumayag. Sabi ko iba ang gusto nito. Tapos ‘di n’ya na ako tinawagan para dun sa pelikula. ‘Di ko nga rin alam kung natuloy ‘yun. “Pagkukwento ni Dick. (sure ka bang direktor ‘yan, baka masahista pala!)

Inamin ng 29 anyos na binata sa guesting n’ya sa digital show naming WTFu, na muntik na s’yang mawalan ng loob sa showbiz. Pero dahil may mga nagtitiwala pa rin sa talent n’ya, go s’ya sa paglabas sa mga teleserye at indie films. Sa ngayon, nalilinya s’ya sa mga BL series, kung saan natuloy na ang pagiging bida n’ya.  Isa sa mga ginawa n’ya ang Toreros. (may toro bro?!)

“Hindi ako kinabahan na kapwa lalaki ‘yung ka-eksena ko. Parang mas na-excite pa ako na may ka-kissing scene ako na lalaki. Kasi kapag babae, parang common na. Nagawa ko na ‘yun dati. Dito napapakita ko ‘yung best ko, lalo na sa acting. “ Pagpapaliwanag ni Dick.  (ako na raw ang isusunod mong ka-eksena bro!)

(Youtube/FB: WTFu. Twitter/IG/Tiktok: @mrfu_mayganon.

FB: mr.fu tagabulabog ng buong universe. Patreon: www.patreon.com/wtfu website: www.channelfu.com )

Show comments