^

PSN Showbiz

Daniel, walang kai-kaibigan ‘pag naglalaro!

SHOWBIZ NEWS NOW NA - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Daniel, walang kai-kaibigan �pag naglalaro!
Daniel Padilla

Kung mabibigyan ng pagkakataon ay gustong masubukan ni Daniel Padilla na makagawa ng isang stage play. Ayon sa aktor ay nagkaroon siya ng interes sa teatro dahil na rin sa mga nakatrabaho noon sa serye. “I am very interested. Sa 2 Good 2 Be True ang dami kong kasama from theater and they always told me about what they do. They always encou­raged me to try theater. The problem is the time and dedication that you need to give when you do theater. Now, I still don’t know yet if I can give that commitment. Ayoko naman mag-teatro tapos ang dami ko pang ginagawang iba. Gusto ko I can give 100% once I do theater, so I can focus, but I really have plans. I will start working again this year. I will make movies again. May mga TV shows ulit,” paglalahad ni Daniel.

Kamakailan ay magkasamang dumalo sina Daniel at Kathryn Bernardo sa kasal ng direktor na si Cathy Garcia-Molina. Mga kapamilya at malalapit na kaibigan lamang ang imbitado sa naturang event. “Of course, hindi namin pwedeng ma-miss ‘yon. Direk Cathy earlier said pamilya lang daw ang invited. Nakalimutan niya na pamilya din niya pala kami,” nakangiting pahayag ng aktor.

Samantala, kalahok si Daniel sa basketball tournament ng It’s Showtime at Star Magic na gaganapin sa May 21 sa Mall of Asia Arena. Masaya ang binata dahil muling makapag­lalaro sa court kasama ang mga kaibigan sa show business. “Ang sayang bumalik sa basketball. I think it’s going to be a good game. Lahat kami magkakaibigan pero pagdating sa court, mawawala ‘yon dahil lahat kami gusto naming manalo. Kailangang paghusayan,” pagtatapos ng binata.

Jamie, noon pa gustong makatrabaho si Regine

Bukod sa pagiging isang singer ay si Jamie Rivera na rin ang nagsisilbing head at creative consultant ng Inspire Music. Isa itong label mula sa ABS-CBN Music.

Nangangarap umanong makatrabaho ni Jamie si Regine Velasquez sa naturang record label. “Actually, marami kaming naka-line up. ‘Yung mga bagets ng ASAP, sina Angela Ken, ang BINI, gusto ko makatrabaho ang mga ‘yon. Pero may gusto talaga akong makatrabaho. Talagang gusto ko siyang i-produce kung papayag siya, Regine Velasquez,” pagbabahagi ni Jamie sa Magandang Buhay kung saan isa sa mga host ang Asia’s Songbird.

Ayon naman kay Regine ay matagal na siyang nabigyan ng kanta ng Inspirational Diva. Hindi lamang daw natuloy ang kanyang recording noon para sa kantang ibinigay ni Jamie. “Oo ba, my goodness. It would be an honor for me. She gave me a song before. Kaya lang hindi pa ako nare-record. Wala pa akong recording kasi. So wala lang, hindi pa lang ako nakakahanap ng inspiration but for this, I would be happy,” naka­ngiting sagot ni Regine kay Jamie. (Reports from JCC)

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with