Parang mas mabilis ngang makahawa ang virus ngayon.
Lately ang daming may COVID.
Kabilang dito si Aiko Melendez.
“Apologies to everyone, especially to my constituents in dist 5 QC. for I won’t be able to attend to invitations and activities for the next few days. I have just tested positive for COVID today, Thursday, May 11, 2023 and is currently self-quarantining at home. It would be best for me to finish the quarantine period and until I test negative again to make sure that everyone will be safe and will be spared from the virus.
“Please, everyone, take care of yourselves too. Make sure to wear your masks and to drink vitamins at all times. COVID is still out there. We should not risk our health. I encourage everyone to continue to prevent the spread of the virus.”
May isa rin akong friend na galing sa Pilgrimage sa Europe, after two days pagbalik niya ng Pilipinas, positive siya sa COVID.
Feeling niya nahawa siya sa plane.
Medyo malakas daw ang tama sa kanya dahil nawalan siya ng panlasa at parang binugbog ang katawan niya sa sakit.
Ang mga hindi nagkaroon ng COVID ang parang nagkakaroon ata ng COVID lately.
Kaloka.
TV host, ang daming tulala moment sa kanyang TV show!
Ang dami raw tulala moment ng isang female TV host.
Pero hindi dahil wala sa sarili kundi hindi raw ito maka-react ‘pag nagkakaroon sila ng discussion sa kanyang programa.
Nabuko raw tuloy na hindi intelligent sa totoong buhay ang nasabing TV host.
Mahina raw ang comprehension at hindi makasabay ‘pag meron malalimang topic.
Kung sabagay, hindi naman nagpapanggap na matalino si TV host.
Parang tanggap naman niya na mas lamang ang ganda niya kesa sa talino.
Well, ganun naman ang labanan ng buhay, sabi nga nila, you can’t have it all.
Hindi raw pwedeng maganda ka na, eh matalino ka pa.