Kahit matagal nang retokada, Chie 'di pa ligtas sa bashers!
Ilang taon na ang nakalilipas nang magparetoke ng ilong si Chie Filomeno upang mas maging maganda.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakaliligtas ang aktres sa online bashers tungkol sa kanyang ginawang operasyon. “Wala naman pong masama sa pagpaparetoke or sa pag-e-enhance sa kung anong meron ka. Kung ito ang tingin mo magpapasaya sa ‘yo, magbibigay confidence sa ‘yo, why not do it? Wala ka namang natatapakan na tao, wala kang nasasaktan,” paliwanag ni Chie.
Para sa aktres ay hindi na dapat pakialaman ng ibang tao ang kanyang ginawang enhancement lalo pa’t sarili namang pera ang inilaan para dito. “Ang tanda na po natin, alam na po natin kung ano ang tama sa mali. I’m not saying this is the right thing to do pero sana mas lawakan pa natin ‘yung understanding natin sa topic na ‘to,” giit ng dalaga.
Kasosyalan ni Lovi, tinanggal ni Coco
Napahanga si Lovi Poe kay Coco Martin bilang aktor at direktor ng FPJ’s Batang Quiapo.
Sa loob ng tatlong buwang pakikipagtrabaho ay talagang nasaksihan ng aktres ang talento ni Coco. “He savors every moment and every actor. He gives everyone a moment to shine. So, I’m really grateful na gano’n siya. In terms of our relationship, I’m very grateful kasi nararamdaman ko ‘yung effort niya para sa aming lahat eh. The fact that he does everything. Siya ‘yung nagdi-direct, siya ‘yung nagsusulat pero nabibigyan niya ng importansya ang bawat artista. Kaya kapag kaeksena ko siya, I just want to have my A game on. Kasi siya talagang A game all the time. So, I want to give that in return,” pagbabahagi ni Lovi.
Kamakailan ay pinag-usapan ang kissing scene nina Lovi at Coco sa serye. Aminado ang dalaga na talagang kinilig siya nang gawin ang eksena. “Kasi ‘pag pinapanood mo pa lang si Coco na nagdi-direct at the same time. Habang ginagawa ‘yung eksena na ‘yon, siya pa rin ‘yung nagdi-direct habang nagki-kissing scene kami. Makikita mo na after no’n, siya pa ‘yung magka-cut, siya pa ‘yung magsasabi ng ‘cut!’ So, mahirap na hindi kiligin talaga,” pagtatapat ng aktres.
Malaki rin ang pasasalamat ni Lovi kay Coco dahil sa paglikha ng karakter ni Mokang.
Ayon sa aktres ay talagang lumabas sa serye ang kanyang pagiging kalog at kikay. “He brings out this authenticity among us as actors. Kaya rin siguro he goes with that technique. Kasi gusto niya mailabas ‘yung our true selves and to bring out our characters at the same time. Nilabas ang different side ko, nilabas ang Mokang side. Kasi lagi niyang sinasabi no’ng first day namin, ‘Lovi, hindi ganyan. Nakikita ko pa rin sosyal ka pa rin sa paningin ko. Kailangan natin tanggalin ‘yan sa ‘yo. Gawin mo ‘to,’ ganyan. So salamat at binuo si Mokang, thankful talaga ako,” pagtatapos ng dalaga. (Reports from JCC)
- Latest