Kable ng cable, ninanakaw na rin
Dahil tuloy ang laban kontra sa iligal na pagpuputol at pagnanakaw ng mga kable ng cable TV at internet, magsasagawa ang SKY ng malawakang barangayan roadshow event sa Metro Manila para magbigay kaalaman ukol dito. Bahagi pa rin ito ng kanilang kampanyang Oplan Kontra Putol.
Sa event nitong #OplanKontraPutol Barangayan: Sama-sama Laban sa Putol-Kable, makikipag-ugnayan ang SKY sa mga kawani ng barangay at local government units (LGUs) sa iba’t ibang siyudad sa NCR upang mabigyang-linaw ang usapin patungkol sa illegal cable cutting.
Ilan sa tatalakayin ang pagkakaiba ng intentional at accidental cable cutting, ang pag-aakalang may lamang tanso ang mga kable ng fiber internet, at mga batas kontra sa krimeng ito—kabilang ang RA 10515 (Anti-Cable Television and Cable Internet Tapping Act of 2013) at ang Revised Penal Code.
Magmula Enero 2022, mahigit 472 na kaso na ang naitala ng SKY at ng iba pang telco sa Mega Manila at sa Cebu.
Umpisa kahapon, pinuntahan nila ang isa sa hotspot areas ng Metro Manila kung saan talamak ang krimeng ito, ang Muntinlupa City, 10 a.m. sa Muntinlupa Sports Center. Matapos nito, darayo rin ang SKY sa San Juan City sa Mayo 22 (Lunes).
Maliban sa mga diskusyon patungkol sa iligal na pagpuputol at pagnanakaw ng mga kable, ibabahagi rin ng SKY ang five-step procedure nito upang agad na maaksyunan ang mga insidenteng ito.
- Latest