Robi, padadaliin ang mga math problem

Robi Domingo

Sa pagbabalik ng MathDali, abangan ang limang bagong episode para sa Grade 1 kasama ang Kapamilya host at Math enthusiast, Robi Domingo. Ipaliliwanag ng palabas sa mga bata ang mga konsepto ng addition, subtraction, at paggamit ng perang papel at barya.

Ito ay mula sa partnership ng Knowledge Channel Foundation, Inc. (KCFI) sa BDO Foundation at Huawei Philippines.

Kasama ni Robi ang kanyang mga bagong kaibigan na si Matty, isang matanong na bata, at si Kunkun, ang kanyang kaibigang kuneho, habang sama-sama silang sumasagot ng iba’t-ibang mga math problem at matuto ng bagong mga technique.

“Filipino students viewed mathematics as a difficult subject. MathDali is really an example of how math can be enjoyable. This will be an opportunity for our young people to learn more without being intimidated with the possibility of making mistakes,” said Dr. Margarita Consolacion-Ballesteros, Director for External Partnerships of the Department of Education.

Ang MathDali Grade 1 ay ipapalabas sa Knowledge Channel on air at online sa iWantTFC ngayong Mayo 2 hanggang 6, tuwing ika-7 ng umaga. Ito rin ay available offline para sa mga paaralan sa Knowledge Channel Portable Media Library, isang hard drive na naglalaman libu-libong DepEd curriculum-based video lessons, e-games, at e-session guides.

Show comments