^

PSN Showbiz

Mga sinehan, niliitan na ang espasyo!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pilipino Star Ngayon

Mayroon lang kaming observation sa mga sinehan ngayon. Bukod sa niliitan na nga nila dahil kaunti lang ang nanonood, mukhang makitid ang mga daanan sa entrance at exit. Parang nakakatakot siya kung magkaroon ng emergency. Hindi mo masasabing may emergency exit naman, tiyak na ang unang tatakbuhan ng mga tao ay iyong alam nilang entrance at exit. Napakakikitid ng daanan, tiyak na magkakaroon ng stampede kung may emergency. Minsan nakakatakot tuloy manood ng sine. Inalis na rin nila ang u­shers sa sinehan, sa halip nilagyan nila ng maliliit na ilaw kung saan may direksiyon din ang seat numbers. Hndi yata nila iniisip iyong mahihina na ang mata, makikita ba iyon?

Nanood kami noong Guardians of the Gala­xy. Maraming tao, halos puno ang sinehan. Kung iisipin mo kung ilang sinehan ang naglalabas noon sa isang mall lamang, at dahil sa sunud-sunod na screening kumita ang pelikula. Pero aywan, kami hindi namin nagustuhan ang pelikula. Sabugan nang sabugan. Napakaingay. Dahil maginaw sa sinehan, nagkulubong kami ng binili naming fleece blanket, aywan pero naidlip kami.

Nang magising kami matatapos na ang pelikulang halos tatlong oras.

Ang rating ng pelikula ay PG, pero sa tingin namin maraming violent scenes ang pelikula, hindi bagay sa bata.  Dapat iyan SPG. Pero pinayagan na nila sa PG eh.

Kung titingnan mo, hindi maganda ang kuwento. Hindi rin naman masasabing ok ang characters. Iyong isa wala pang sinasabi kundi “I am groot.”

Pero talagang matindi ang opticals, iyan ang pelikulang panonoorin mo talaga sa sine kung gusto mong makita ang magandang opticals.

Kagaya rin noong Voltes V, bakit ba nila pinanood pa sa sine eh ipapalabas din naman sa TV? Kasi nga gusto nilang makita ang opticals.

Palagay namin iyan ang hinahanap at dinarayo ng mga tao ngayon sa mga sinehan. Kung mga pelikulang ganoon-ganoon lang, huwag na ninyong asahang papasukin pa sa sine.

Luis, dusa sa isolation!

Panay ang paalala ni Luis Manzano, kasi kung kailan nga naman sinabi ng WHO (World Health Organization) na wala na ang COVID-19 pandemic, at saka pa siya nag-positive. ‘Di ba sinasabi nga ng DOH (Department of Health) na tumataas na naman ang bilang ng may COVID sa bansa.  Hindi naman kasi dahil sinabing wala nang pandemic ay wala na ring COVID.

Ang COVID bilang isang sakit ay nariyan pa rin, lumipas na nga lang iyong alarming situation dahil napalitan na rin ang immune system ng mga tao dahil sa bakuna, at sa kanilang mga bitaminang iniinom.

May mga natuklasan na rin silang kumbinasyon ng mga gamot na naka­gagaling ng COVID. Hindi gaya noon na pinag-aaralan pa lang nila kaya kung anu-anong remed­yo ang kanilang ginagawa, na hindi naman tumatama.

At least ngayon alam na nila ang kanilang gagawin. Ngayon isolated muna si Luis at hindi muna maaaring lumapit kay Jessy at sa anak nilang si Peanut.

Aktor, inaalagaan ng dalawang matrona at isang milyonaryong bading!

Naalala namin ang isang poging singer noong araw. Araw-araw ay halinhinan ang dalawang matrona sa pagpunta sa isang bar na kinakantahan niya noong araw.

Iyong isa ay nanay ng isang sikat na aktres. Iyong isa naman ay galing din sa pamilya ng mga kilalang artista.

Mabuti naman at ang nabuntis sa dalawa ay iyong walang asawa. Iyong galing sa pamilya ng mga artista. Kung ang nabuntis niya ay iyong nanay ng isang aktres, malaking tsismis iyon.

Bukod sa dalawang matrona, pinupuntahan din siya ng isang bading na kapatid naman ng isang sikat na female star. Basta dumating na ang sino man sa tatlo, sinasabi ng poging singer na pagkatapos ng kanyang set ay uuwi siya sa bahay nila sa isang malapit lang na probinsiya.

Bakit namin ibinabalik ang tsismis? Kasi may isang aktor na pogi na ang pangalan ay kapareho rin ng sa poging singer at gaya niya ay alaga rin ng dalawang matrona at isang bading. Ngayon ang inaamin pa lang niya ay isang cougar, hindi na siguro niya aaminin ang isa pang matrona, at lalong hindi naman niya aaminin ang milyonar­yong bading na nababaliw rin sa kanya.

SINEHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with