Direk, ‘di kinaya ang kanegahan ng bagong programa!
Ano kaya meron sa bagong programang ito na kasisimula pa lang, parang ang nega na ng dating.
Hindi lang sa programa nila napapanood ang kanegahan, kundi kahit sa taping daw nila.
Kasisimula pa lang nila, nag-resign na raw ang direktor nito dahil ramdam daw niya ang kanegahan. Hindi raw kumportable si direk sa ilang katrabaho niya. Kaya habang maaga pa lang, umalis na lang ito.
Tingin daw nila hindi rin magtatagal ang programa.
Hindi raw nila alam kung sa main host ba o sa ibang kasamahan sa programa.
Kaya minabuti na raw nung direktor na hindi na ipagpatuloy ang pagdidirek ng programang ito.
Mahirap nang idetalye dahil mahahalata na kung anong programa ito.
Tingnan na lang natin kung maaayos pa at kung may magagawa pa sila upang hindi maging nega ang dating ng naturang programa.
Gladys, ipinagmalaki ang anak na scholar!
May ilang kaibigan kami na tuwang-tuwa dahil natanggap sa University of the Philippines ang kanilang anak.
Nakakatuwa nga dahil nag-text din sa akin si Gladys Reyes para ibalitang natanggap sa UP ang kanyang anak, at pati sa La Salle.
Dagdag na blessing pa raw na granted ang in-apply na Merit Scholarship sa UA&P o University of Asia and the Pacific.
Ipinost din ni Gladys sa kanyang Instagram account. “Another proud moment as a mom to my son, Christophe @christophe_sommereux! Congratulations on being accepted in UP, La Salle and getting a scholarship on UA&P (University of Asia and the Pacific) and congratulations on your graduation from senior high. We love you son! Ecstatic to share these blessings!! Another answered prayer. Thank you dear God!!”
So far, parang gusto na raw ni Christophe na pumasok sa UP, at balak niyang kumuha ng kursong Business Management and Theatre Arts.
Nakaka-inspire raw magtrabaho dahil sa achievements ng kanyang mga anak.
Pagkatapos niyang manalong Best Actress dumami ang inquiries sa aktres. Pero mukhang gusto pa rin niya sa GMA 7.
Hindi pa naman daw confirmed, pero gusto niyang gawin itong action-drama series na inaalok sa kanya.
Gloria, inulit ang pagtanggi sa mga tranny at nanay sa Miss U
Samu’t-sari ang reaksyon ng netizens sa opinyon ni Gloria Diaz tungkol sa bagong rules sa Miss Universe na puwede nang sumali ang mga transwoman, pati ang mga may anak na.
Nilinaw naman ng kauna-unahang Pinay Miss Universe na opinyon niya ‘yun at wala siya sa lugar para pakialaman ang mga nagpapalakad ng Miss Universe, pati ang Miss Universe-Philippines.
Para sa kanya, mahirap tapatan ang mga transwoman dahil marami raw sa kanilang magaganda talaga at may lakas pa rin sila ng isang lalaki lalo na pagdating sa talent portion. “Mahirap kalaban ang tranny kasi I’ve been a judge sa mga Super Sireyna. Ang ganda talaga nila, at kaya nilang magsirko-sirko diyan.
“Parang hindi too acceptable sa akin…kasi dapat may sarili silang contest,” pakli niya.
Nilinaw naman niyang dapat na ilagay sila sa tamang kumpetisyon.
Bukod pa riyan ay mahal daw niya ang mga kabadingan.
“Not that I’m ostracizing them. They’re good in some things, dun sa talent portion lang e. The regular Miss Universe doesn’t have talent. Love ko sila. Dapat kanya-kanya.
“Hindi ba ngayon ‘yung issue, ‘yung transvestite kuno na athlete, sasali sa competition ng babae?
“’Di ba that’s a big issue ngayon? Parang… you can never be. You always be stronger. So, siya nga ang nanalo sa swimming.
“’Di ba it’s all over the internet na it’s unfair,” dagdag niyang pahayag.
Marami naman ang agree sa mga pahayag ni Gloria Diaz, at hindi naman siya apektado sa mga kumokontra sa kanyang pahayag.
Siyempre ang concern niya ay ang panibagong challenge sa ginagawa niyang pelikula, dahil ibang-iba raw ito sa mga nagawa niya noon.
Ang malaking challenge raw sa kanya ay ang pagmumura. Iilan lang ang kaya niyang banggitin na mura. Pero ang iba ay hindi na raw niya alam.
“iniisip ko ang lahat na mura. Hirap na hirap ako.
Put**g ina, kaya ko ‘yan. Leche, halimaw, balik na naman sa Put**g ina.”
“Kinausap niya (direk Joel Lamangan) **ng ina ka tatlo lang ba ang alam mong mura?
“Kasi ang mga iba, punyeta, hindi daw bagay sa pokpok.
“Ngayon, tinitingnan ko ang lahat na mura. Kaya ko ba ito? Hindi ko lahat ma-memorize ‘to.
“I mean if you are good to do a role, go for it ‘di ba? Bigay mo na lahat.
“Alam mo naman si Joel, ‘pag meron kang ginawang mali, mumurahin ka from head to feet,” sabi pa ni Gloria Diaz.
Ngayon ay tuluy-tuloy na raw ang shooting nila at kahit sinasabing medyo hindi na kaya no direk Joel ang magtatalak, parang wala naman daw nabago dahil tumitili pa rin daw ito kapag hindi niya nagustuhan ang acting mo.
Nasampolan nga raw si Pia Moran dahil parang bading daw ang atake sa role niya. Kaya natilian daw ni direk Joel nang, “babae ka dito, hindi bakla!”
Nakuha naman daw ni Pia ang gusto ni direk Joel, kaya okay ang shooting nila.
- Latest